BIANCA'S POINT OF VIEW "Let the party begin!" Jane shouted as she waggles to stand. Inalsa niya ang kamay niya na may hawak na red wine. Napatapik na lamang ako sa mukha ko. Kung anu-ano na lang ang iniinom niya. Lasing na lasing na talaga siya. Si Shang ay natawa lang sa ginawa ni Jane, natawa rin si Marvin. Kaagad na tumayo si Aljon at sinenyasan ang disc jokey sa gilid. Tumango-tango lang ang Dj sa senyas ni Aljon. after that, he put on his headset at nagpatugtog ng maingay tugtog. Tzug, tzug, tzug, tzug! Kara-karakang pumwesto si Jane sa gitna habang hawak ang wine glass niya and she danced like crazy! Kumunot ang noo ko nang lumapit si Aljon sa kaniya at sumayaw rin! Oh no. Don't tell me this is a disco. I don't dance! Kaagad akong napatingin kay Shang, tatanungin ko sana siya k

