GRACE'S POINT OF VIEW "Can you pull me inside? Pwede bang siya na lang ang sasama sa akin sa loob?" me, asking a request to the nurses. Tumango silang lahat, may choice ba sila? I'm the First Lady, wife of Supremo although it's just fake. Maingat na tinulak ng nurse paloob ng comfort room 'yung wheelchair kung saan ako nakaupo ngayon. At pareho kaming nagulat nang maabutan si Aljon sa loob ng C.R na nakasandal sa haligi habang siya ay nakapamulsa. Maamo siyang tumingin sa amin at ako ay napalunok na lamang. Ano ang ginagawa niya rito? Kumunot ang noo niya nang makitang nasa wheelchair ako, "What happened to you, Grace?" tanong niya. Umiling ako, "Wala 'to, nahulog lang ako sa hagdan." sabi ko. Lumapit siya sa akin habang dala pa rin ang pag-aalala sa mukha niya, "Does it hurts?" tanon

