GRACE'S POINT OF VIEW Ayaw kong malaman ng mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Aljon, lalo na kay Shang. It would be difficult for her to accept that dahil kuya niya ang boyfriend ko. Even me, hindi ko tanggap iyon. Galit ako sa sarili ko, pinandidirian ko ang sarili ko. I have cheated. I'm a flirt. A hoe. "Are you okay, Grace?" tanong ni Jane sa akin habang kami ay naglalakad pabalik sa mansyon. Tapos na ang laro, at team Blue ang nagwagi, team ni Aljon. Ngayon ay pabalik na kaming tatlo while others are still on the clear field. Nagpaalam kami sa kanila na mauuna na kami sa mansyon, um-oo naman si Marco. Malungkot si Marco dahil sa pagkatalo nila. "Y-Yes," sagot ko. "Kanina ka pa tulala, pansin ko lang." wika ni Jane. Nagkibit balikat lamang ako, "Maybe because of my period?"

