Pauwi na si Gustavo nang harangin siya ng kulay itim na Van. “Anong kailangan niyo!” Pilit siyang nagpupumiglas dahil sa apat na lalaking nakahawak sa kanya. Ngunit nawalan na siya ng malay pagkatapos siyang hampasin sa likod. Pagkagising niya ay nasa abandonadong building na siya. Habang nakaupo sa kahoy na upuan at nakatali ang dalawang kamay at paa. Nakabusal din ang kanyang bibig. Maya-maya pa ay pumasok na ang mga lalaking nakatakip ang mukha ng maskara. Tinignan niya ng matalim ang mga ito. “Sa itsura mo parang ang dami mong gustong sabihin Gustavo,” Bahagyang nagulat si Gustavo dahil sa narinig na sinabi ng lalaki. “Kilala mo pa ba ako?” Tinangal niya ang busal nito. “Hay*p ka! Sino ka! Bakit mo ko dinala dito? Anong kailangan mo sa akin! Kung pera ang kailangan niyo wala ka

