Lahat ng ari-arian ni Maximo ay naiwan sa kanya simula nang mamatay ito ngunit naging mas mainit siya sa batas dahil sa connection niya kay Maximo. Kaya nagtayo siya ng paaralan para mapagtakpan ang lahat ng illegal na gawain niya. “Mr. Murray, alam mo na kung sino ang palaging humaharang sa transaction natin. Na promote pa ito sa pagiging NBI director ang pumatay sa ama-amahan mo pero bakit wala kang ginagawang aksyon?” “Hindi pa ito ang tamang panahon. Falcon.” Saad niya dito habang matalim ang mga tingin sa larawan ng dalawa niyang kaibigan na mismong tumapos kay Maximo. At humaharang sa kanyang mga plano. “Anong ibig mong sabihin?” “May naka-usap na akong gagawa ng plano.” Ang matagal na nakatanim na galit sa puso ni Gustavo ang nag-udyok sa kanya para tuluyan ng tapusin na ang pa

