Alixane POV Para akong papel sa gaan ng binuhat niya ako. Naramdaman ko na lamang ang pagbaba at paglapat ng likod ko sa malambot kong kama. “B-brian…. hindi pa ko ready…” Kinakabahang sambit ko. Nakakapit pa rin ako sa leeg niya. “Ako din…..pero kung ayaw mo hindi naman kita pipilitan.” Wika niya sa malungkot na boses. Binitawan niya ako at umupo ulit ako. Ano ba itong iniisip ko. Umaandar na naman ang pagka maria clara ko. Pero nakatuwa kasi mukhang balak talaga niyang hindi ituloy dahil sa sinabi ko. Tumayo ako at iniwan ko siya sa kwarto. Kaagad akong dumiretso sa kusina. At kinuha ang stock kong alak na iniregalo lang sa akin. Binuksan ko yun at sunod-sunod na tinunga. Ano bang ini-expect ng lalaking yun? Na handa agad ako porke kami na? Syempre kinakabahan din ako kaya ko na

