Alixane POV Napamulat ako dahil na haplos na naramdaman ko. Nasa harapan ko si Brian at nakangiti sa akin. Nagniningning na naman ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng sakit ng ulo. Dahil din siguro sa ininom ko kagabi. “Bakit ganyan ka tumingin?” Kunot noo na tanong ko. Ngumisi siya at hinapit ang katawan ko. Saka ko pa lamang naramdaman na may suot na akong pantulog na nighties at pati na rin panloob. “Ikaw ba ang nagbihis sa kin?” “Oo. Nakatulog ka na kasi kagabi kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang buong katawan mo.” Nakangising wika niya. Niyakap niya ako pinaunan niya ang kanyang braso sa akin. Pervert! Titigan ba ako ng tulog? “Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari na sa atin kagabi. Thank you for making me happy.” Wika niya na ikinatawa

