Alixane POV Akala ko ay isang lalaki lamang ang bumaril sa amin ngunit may sumulpot na naman sa tagiliran namin kaya umilag ulit kami. Nakahanap kami nang pagkakataon na makalayo sa mga humahabol sa amin dfahil sa dami ng tao na nagtatakbuhan. Mas nag-aalala ako dahil baka may madamay na mga inosenteng tao sa paligid. Kapag bumaril ulit ang mga kalaban. Nag-pulasan ang mga tao palabas ng amusement park. Nakita ko ang batang umiiyak malapit sa carousel. Nag-aalala akong baka madamay sa stampede ang bata kaya umalis ako at tinakbo ang bata. “Xane!” Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko. Mabilis kong naitago ang bata upang hindi masaktan. “Baby, dito ka lang okay? Hahanapin natin si Mommy mo ha?” Saad ko. Naiiyak na tumango siya sa akin. “Okay good!” Sinigurado kong hindi si

