Brian POV “Paano siya nawala?” Kunot noo na tanong ko kay Raul. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa nangyari sa kanila ni Xane. Balak ko pa sanang puntahan siya agad. “Hindi ko alam…basta pagkatapos matahi ng sugat niya bigla na lang siyang nawala.” Bigla akong kinabahan. Paano kung nakuha siya ni Gustavo at idamay niya sa ginawa naming pagtakas? Pero imposibleng may magtangkang pumasok dito dahil bantay sarado ang ospital. “I don’t think may kumuha sa kanya Brian.” “What do you mean Raul? Kusa siyang umalis?” Marahan ang kanyang pagtango. Pagkatapos kong utusan ang isang bantay para puntahan si Nathan sa dormitory ay pumasok na ulit ako sa kwarto ni Xane. Si Raul naman ay nanatili lang sa labas. Mataman lang akong nakatingin kay Xane. Nakita ko ang pagalaw ng kanyang mga talukap.

