Brian POV Kasabay ng matinding pagbuhos ng ulan ang takot ko sa posibleng mangyari oras na maabutan kami ng tatlong sasakyan na kulay itim. Hindi pwedeng maantala ang pagdadala namin kay Xane sa ospital. Alam kong hirap na hirap na siya sa kanyang kalagayan at kailangan makatakas kami sa kanila. “Raul, kaya mo bang iligaw sila?” Tanong ko sa kanya habang mataman lang siyang nakatingin sa harapan. Sa sobrang bilis namin hindi ko na sila natatanaw. Ngunit alam kong nakasunod parin sila sa amin. “Hindi ko alam Brian, diretso lang kasi ang daan dito mahihirapan tayo. Kapag naabutan nila tayo kakailanganin nating lumaban.” Marahas akong humigit ng paghinga. Mukhang wala talaga kaming magagawa kundi ang lumaban sa kanila. Nagulat ako sa biglang pag-ungol ni Alixane. Bahagyang dumilat ang mg

