Nathan POV Kahit pinilit niya akong ipagtabuyan hindi ko magawang sundin siya lalo pa ngayon na nasa panganib na ang buhay niya. Alam kong hindi niya kakayanin ang mag-isa. At alam kong galit siya sa akin. Pero hindi ko hahayaang ang galit na ‘yon ang tuluyang maglayo sa aming dalawa. Hindi ko hahayaang basta na lamang siya mawala. Nangako na ako noon sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang masaktan ulit. Ililigtas ko siya kahit ang kahihinatnan nito ay ang paglaban ko sa aking ama. Galit na iniwan niya ako sa gilid ng bangin. Pero palihim ko parin siyang sinundan. Nasa malayo lang ako nakatanaw. Gustuhin ko man siyang lapitan dahil alam kong nahihirapan na siyang tumakbo ngunit pinapangunahan din ako ng takot na baka lalo lang siyang masaktan. Hangang sa bumagal na siya sa pagtakbo at t

