Alixane POV Akala ko hangang doon na lang ang tinatagong lihim ni Nathan. Akala ko kaya ko siyang patawarin sa ginawa niyang paglilihim sa akin. Ngunit nang sambitin niya yun sa akin. Nanlambot ang mga tuhod ko. Ramdam ko din ang paghapdi ng sulok ng mga mata ko habang nakatingin lang ng derecho sa kanya. Noong tumatakbo kami kanina matapos kong marinig kay Ed ang pagtawag sa kanya at ang pagtigil nila sa paghabol sa amin. Ipinagdasal ko na sana wala siyang kinalaman kay Gustavo. Pero mas matindi pa ang ginawa niyang pag-amin sa akin. Ang lalaking pinagkaka-utangan ko ng buhay. Ang lalaking ilang beses na akong iniligtas ang lalaking sa maikling panahon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay ko. Ay ang lalaking anak ng taong kailangan kong pagbayarin sa batas! Ang katotohanang maaring

