Alixane POV “Saan niyo ko dadalhin?!” Malakas na sigaw ko nang lumapit ang tatlong lalaki sa akin upang kalasin ang pagkakatali sa akin. Pilit kong kinakalma ang sarili sa mangyayari. Pero nagpapanic na talaga ang utak ko. Kahit pa may kakayanan akong labanan sila hindi pa ako lubos na magaling kaya lalo kong inaalala ang aking sarili sa kung anong pwede nilang gawin. “Mga hayop kayo! Anong gagawin niyo!” Sigaw ni Nathan. Nabaling sa kanya ang nakangising anyo ng lalaking nag-utos sa ibang tauhan. “Alam mo kanina ka pa! Paki-alamero!” Isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Nathan. Kaagad pumutok ang labi niya. Bahagyang lumuwag ang pagkakatali ng mga kamay ko. Kaya agad kong tinuhod ang p*********i ng nasa harapan ko. Impit ang kanyang pagsigaw. Sinipa ko naman sa mukha

