Napag-alala ko pa yata si Alvaro pero hindi talaga ako mapakali sa barangay hall. Iniisip ko pa lang ang nangyari kanina, para na naman akong pinanlalamigan. That was close. Hindi ako makapaniwalang muntikan ko nang maipahamak ang lalaking iyon! Plano kong i-report siya agad na missing nang sa gayon ay mahanap niya agad ang kaniyang pamilya para mapagamot siya nang tama. I don’t have enough money and I doubt it will be easy kahit humingi rin ng tulong sa iba lalo pa’t ngayon na wala siyang naaalala. Pero ngayon, paano ko pa iyon gagawin kung may naghahanap din sa kaniya? At hindi lang iyon, gusto siyang patayin at may pinaplanong masama! “Ano bang nangyari, Mara? Nakakapag-alala ka naman,” sabi ni Alvaro habang naglalakad na kami sa dalampasigan at naguguluhan. Para akong balisa

