32nd Sale [Sydney’s POV] “Ano ba Sydney, tigilan mo na nga yang paglakad mo, kanina pa kong nahihilo sa’yo.” “Pasensya naman, wala kasi akong maisip na solusyon.” Kagat kagat ko ang hinlalaki ko habang lakad ng lakad dito sa kwarto ko. Matalino ako, pero bakit ganun? Wala akong maisip na solusyon dito sa problema ko. Parents. PARENTS. Argh! Kung may maihaharap ako bukas sa dean, pano si Dave? Sinong dadalhin nya bukas? Tssss. Pareho kaming nasa alanganin nito, e. Anumang oras eh pwede nilang malaman na binili ko si Dave at hindi ko sya kilala nuong simula pa lang. Ate Lorraine with her ex boyfriend, they are bestfriend. Ate Kath and her current boyfriend, they are enemies. Eh kami? Wala. Iisipin nila na nandadaya ako dahil hindi pwedeng makipagbreak sa’kin s

