33rd Sale [Sydney’s POV] “So, nandito na po ang lahat. Parents ni Sydney, at ang guardian ni Dave.” Nakatayo ako sa likod ni mama at papa samantalang si Dave ay nasa likod ni Mam Gina. Hindi naman sa’kin nagalit ang parents ko ng sinabi kong ipinapatawag sila ng dean, sumagot lang sila na sana ay hindi ito dahil sa mababang grades. “Ano po bang problema sa anak namin at kay Dave?” “Kahapon po kasi Mr. Javier, nakita ko si Dave kahapon na nakapatong kay Sydney sa gym.” Lumipad ang kamay ni mama papunta sa bibig nya dahil sa gulat, pati na din si Mam Gina. Si papa naman, minasahe ang noo nya. “Sydney, hindi ko ini-expect na ganito ang maririnig ko ngayon. Anong naisipan mo’t nagpapapatong ka kay Dave? Legal kayo sa’min, pero...” Umiling si papa at halatang nadi-disapp

