PATRICK POV Nakahiga ako ngayon sa couch habang nakatingin sa kanilang tatlo na nakahiga sa kama.Nasa gitna nila si Andrew at nakayakap pa kay Emmanuel .Mahimbing na ang kanilang tulog samantalang ako dilat na dilat pa rin ang mga mata. Biglang gumalaw si Emman .Gising pa pala siya . “ Kuya gising ka pa pala?” Tanong niya sa akin nang makitang nakatingin ako sa kanila. Iniwan niya si Leah at Andrew sa kama at pumunta sa kinaroroonan ko “ Kuya , pwede ba kitang makausap ?”tanong niya kaya tumango ako “ Doon tayo sa balcony” . “ Okay “ tumayo ako at sabay kaming pumunta sa balcony “ Kuya , mahal mo pa rin ba si Leah?” panimula niya “ Mahal ko siya Emman. “ mabilis kong sagot “ Mahal ko siya noon pa.Noong bagong hire ko palang siya bilang sekretarya ko nagkagusto na ako sa k

