Episode 1
"Contrats anak!" wika ng kanyang masayang ina.Apat na taon din ang hirap na dinanas mo anak para makapagtapos ka ."maluluhang dagdag pa niya.
Nagtapos si Leah sa kursong Business Adminastration sa tulong ng kanyang sariling sikap .Kahit may scholarahip pa siya kailangan niya paring kumayod para may pandagdag sa kanyang baon at ibang gastusin .
"Congratulations Batch 2012!!!" sigawan ng lahat ..
"oy Leah congrats! .." bati ng kanyang bestfriend na si Hannah .
"Thank you , congrats din sayo " masayang tugon nito ..Hay sa wakas graduate na tayo .Problema naman natin kung paano makahanap ng trabaho "
"Trabaho agad? Hindi pwede pahinga muna? Besh mag enjoy ka huwag mo muna isipin ang trabaho na yan..may outing pala ang batch natin sa linggo sama ka ha ." yaya ni Hannah .
"Huwag na Han, alam mo naman wala akong pera kahit pambaon nga nahirapan na akong makahanap at isa pa kailangan ko na talagang makahanap agad ng trabaho kasi may mga kapatid pa akong dapat tulungan na gaya ko kailangan din nila magtapos ng koleheyo ..alam mo naman na mahirap lang kami at walang permanenteng trabaho ang aking magulang."
"Ikaw kasi leah noon pa kitang sinabihan na maraming mayayaman na naghahanap ng alam mo na tapos ayaw mo pa .Sana hindi ka nahihirapan at nag eenjoy din tulad namin.Hindi ka na sana nagkautang utang para sa matrikula mo at baon mo .Alam ko may scholarship ka pero nagkasya ba? "
Noon pa akong kinukumbinsi ni Hannah na gawin din ang ginagawa niya .May sugar daddy kasi siyang nagtustos ng pambaon niya at matrikula kapalit ng s*x..Pareho din kasi kaming pinanganak sa mahirap na pamilya .Ang pinagkaiba lang namin ay ako kahit gano kahirap kakayanin ko , gusto ko ibigay lang ang pinag iingatan ko sa lalaking mahal ko .
"oh sige na nga magkikita pa naman tayo soon ha bestfriend tayo forever leah .Halika ka nga dito at mahigpit na nagyakap c hannah .Goodluck sa mga journey natin .
.
-Leah-
Masaya akong umuwi sa bahay kahit gusto ko naman pumunta sa outing ng batch namin wala naman akong pera .Sa wakas nakapagtapos na rin ako ng pag aaral .Naawa na ako sa aking mga magulang kaya kailangan ko na talagang maghanap agad ng trabaho para makatulong na ako sa aking mga kapatid..
Pagkatapos ng isang linggo kinuha ko na ang aking mga requirements sa school .Pinaphotocopy ko na rin ang aking transcript at diploma at nakagawa na rin ako ng resume .Isang daan lang ang dala kong pera inutang pa kanina ni nanay para lang makapunta ako dito sa school .Ayaw ko masayang ang oras ko at pera kaya ngayong araw mismo simulan ko na ang pagpasa ng mga resume sa mga kompanyang madaanan ko ..
Hingal akong umuwi sa bahay at basang basa ng pawis ..Paano naman kasi naglakad ako ng mahigit isang kilometro papasok sa baranggay namin galing bayan .Kinulang na kasi ang pera ko.Mga anim na kompanya rin ang nabigyan ko ng resume at sana lang talaga kahit isa man lang may tatawag sa akin.
Nakalipas na ang ilang linggo pero kahit ni isang tawag wala akong natanggap .Siguro dahil fresh graduate ako at wala pang experience kaya hindi pasok sa standard .
"Ring ring ring" tumunog ang cellphone ko..Halos mapatalon ako sa tuwa baka kasi isa na ito sa kompanyang pinasahan ko ang tumatawag.
" Hello ?"
"Hello Leah?" si Hannah to"
"Kamusta ka na? Nakahanap ka na ba ng trabaho"
"Wala pa nga e .Ni isa wala pa kasing tumawag sa akin .Sabi nila tatawag na lang kung pasok ako para sa interview".
"Gusto mo bang sumama sa akin" ?Sa Maynila tayo hahanap ng trabaho for sure maraming company don ang hiring at mas malaki ang sahod. Aalis kasi si tita sa susunod na araw sasama ako." pangumbinsi ni Hannah
"Wala akong kamag anak don Han at isa pa malapit na lang kayo aalis wala pa akong pera eh .Susunod na lang siguro ako mag iipon muna ako dito pampamasahe" .
"Kung ganon tawagan mo ako pagpupunta ka ha ? Marami akong kilala sa Maynila puwede kitang tulungan doon makahanap ng matutuluyan mo o puwede rin sa amin ka tutuloy para magkasama tayo."
At isa pa Leah nandoon na rin kasi si crushie Ethan eh kaya don na rin ako " hagikgik pa nito .
"Ikaw talaga para kang buntot ni Ethan sunod na sunod , eh alam mo naman babaero yon at s*x lang talaga habol sa mga babae "
"Malay mo mapansin ako diba" Sige na sige na .Basta tawagan mo ako kung pupunta ka rin sa Maynila. Bye2 na leah " .
" Okay okay BYE Han."
Ilang linggo na rin nakalipas ngunit wala parin akong nahanap na trabaho .Paano naman kasi mga kasabayan ko maraming experience kaya sila ang pinili.Ganito talaga ka hirap humanap ng trabaho sa pilipinas. Pano makaexperience e fresh graduate nga ako .Hai buhay talaga oo.Kaya buo na ang desisyon kong pupunta sa Maynila.Tama si Hannah mas maraming trabaho don kumpara dito sa probinsya namin.
Mabuti pa siya may trabaho na doon.
Mabuti na lang nakumbinsi ko ang aking mga magulang na doon na lang ako maghahanap ng bagong kapalaran sa Maynila.Ibenenta ni tatay ang dalawa naming kambing para pambaon ko at pamasahe sa eroplano.
"Nak mag ingat ka don ha.Huwag mo papabayaan ang sarili mo.Mamimiss ka namin" maluhang luhang sabi ng nanay ko .
"Huwag kayo mag alala nay mag iingat ako don kaya ko na ang sarili ko .Makahanap ako ng trabaho at darating ang araw hindi na tayo maghihirap at makipatagpos na rin ang apat ko pang kapatid. Mamimiss ko rin kayong lahat " umiiyak na ako..
Nagyakapan na kaming lahat .
"Bye ate mamimiss ka namin" iyak at yakap ng yakap ang mga nakakabatang kong kapatid .
"Mag aral kayo ng mabuti ha at huwag kayong maging pasaway kina nanay at tatay babalik pa naman si ate ."
"Opo ate" sabay nilang sabi .
Nilisan ko ang lugar namin .Pagkatapos ng isang oras nandito na ako sa Maynila .
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Hannah para masundo niya na ako dito sa airport .Sabi niya kasi kanina pagnandito na ako saka ko siya tatawagan .
Ilang beses ko na tinawagan ang number niya pero tanging toot toot toot lang ang naririnig ko sa kabilang linya.Minessage ko na rin siya pero hanggang ngayon wala pa rin akong natanggap na reply .Gutom at kaba na ang naramdaman ko ngayon .Alas dose na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makontak.Baguhan ako dito sa Maynila kaya wala akong alam sa lugar na ito at wala akong kilalang ni isang kamag anak o kaibigan maliban kay Hannah.
Ayaw ko naman bumalik sa amin sayang pinamasahe ko .Kaya bahala na si Batman Sumakay ako sa taxi maghahanap na lang ako ng pwede kong maupahan hanggat hindi ko pa makontak si Hannah.
Nagtanong ako sa kay kuyang driver kanina kung may alam siyang bahay na pinapaupahan .
Salamat naman at dito na niya ako binaba.
Room for Rent pls contact 09********.Dali- dali kong kinontak ang number na nakasulat .
Sa wakas may matutuluyan din ako.Mabuti na lang mabait ang may ari ng bahay .Okay sa kanya na agad agad akong titira dito kahit isang libo lang ang dinown ko.Naawa siya sa kalagayan ko lalot babae daw ako at walang kakilala dito sa Maynila.Tatlong kwarto ang bahay na ito, ang dalawa ay okupado na ng parehong nagtatrabaho sa call center kaya pag gabi wala sila dito at sa umaga naman ay mga tulog.
Hindi ko sinayang ang araw at oras sa paglakad at paghanap ng trabaho .Lahat ng nadaanan kong kompanya ay pinasahan ko ng resume ko.Paubos na rin kasi ang perang baon ko at kung matagalan pa baka mamatay na lang ako sa gutom .Ai huwag naman sana .
Habang naglalakad napahinto ako sa Malaking Building na ito.
" Hiring !!!
Secretary " pls submit your resume inside
Bahala na si Batman bukas na bukas babalik ako dito . Sa dami ng pinasahan ko kanina naubos na ang dala kong resume at naiwan pa ang flash drive ko. Mamayang hapon na lang ako magpaprint ulit sa may tindahan malapit sa aking boarding house .
Uuwi nalang muna ako at magpahinga bukas ko ulit ipagpatuloy ang paghanap ng trabaho.
Maaga akong nagising at nagluto ng almusal, naligo na rin at nag ayos.Isang simpleng blouse na may collar lang ang suot ko at paldang hanggang tuhod .Sinuot ko na rin ang sandal kong kalalagay lang ng shoe glue.Sira na kasi eh pero kere pa naman. Sana nga lang hindi ito masisira mamaya, malaking building yung papasukin ko baka bumigay ang sandal ko kakahiya .
"Good morning kuya guard" masayang bati ko kay kuyang guard.
"Ano kailangan natin maam" seryosong tanong niya
"Nakita ko po kasi may hiring po dito kaya balak ko po sanang mag apply"
"Ah ganon ba .?Pasok na kayo maam on going na ngayon ang interview sa 4th floor , bilisan mo nalang baka hindi mo maabotan kanina pa kasi si sir P"
"Sige kuya maraming salamat po " dali dali akong umalis at halos patakbong linakad ko papasok sa building at halos paliparin ko pa ang elevator para makarating agad sa 4th floor.
Buti nalang pasok ako sa cut off . Dami daming aplikante at ako ang pinakahuli.Halos silang lahat makikinis, mapuputi at magaganda.Samantalang ako amoy pawis , at hindi pa nakaayos .Ni lipstick wala kasi akong nailagay sa bibig ko .Maputi naman ako ngunit kumpara sa kanila hindi ako makinis .Maganda naman ako , matangkad , sexy ngunit malayo sa kagandahan at kasexyhan nila.Kung yun lang ang labanan ngayon paniguradong talo na ako. Bahala na kung hindi man ako matanggap dito basta nagtry ako.Wala akong pagsisihan.
-Patrick POV-
Marami na rin akong nainterview na aplikante ngunit hanggang ngayon wala pa akong napili.Lahat sila puro pacute lang ang alam .Isa sa pinakaayaw ko ang malanding babae .Totoong mahilig rin ako sa babae pero pagnasa trabaho gusto ko ay iyong propesyonal .Kakainis naman bakit nabuntis naman yung una kung secretary kaya kailangan ko naman maghanap ng papalit sa kanya.
"Next" !!!
"Hi sir good morning hhmmmm"
"Name?"
"Allesandra Silva po sirrrr"
"Why I should hire you?"
"Hmm dahil sir sa akin na ang hinahanap mo .Kahit anong trabahong ipapagawa mo susundin ko sir.I can make you happy sir" .malanding sagot ng babae.
" Allesandra get out!! propesyonal na trabaho itong inaapplyan mo hindi kung ano dyang sa utak mo .Dont waste my time ."
"Next!!!! "
"Next!!!?
"Name" ?
"Leah Delos Santos po" nahihiyang sagot ni Leah.Kinakabahan siya ngayon .
Tuloy tuloy lang ang pagtanong ko sa kanya , at nasagot niya ng propesyonal at maayos.Siguro ito na lang ang tatanggapin ko .Marami na rin ang nag apply pero sya lang ang seryoso at walang halong landi kung sumagot. Inangat ko ang aking mukha upang tingnan ng maayos ang babaeng kaharap ko.Kanina pa kasing akong yuko sa mga resumeng hawak ko ayaw ko kasi tingnan ang mga malalanding pagmumukha ng mga aplikante .
Maganda naman ang babaeng ito .Matangos ang ilong .Singkit ang mga mata .Kahit walang lipstick ang lips pero damn parang ang lambot at sarap halikan .Shiit ano pa tong iniisip ko .Umayos ka patrick .Naibulong ko nalang sa sarili ko.
"So ms Leah puwede ka na bang magsimula bukas" ?
"Oho sir ???tang tang tanggap na po ako?"
"Tanggap ka na puwede ka ng mag umpisa bukas ng umaga "
"Opo sir.Maraming salamat po talaga " nkangiti pang c Leah
Ngumingiti sa harap ko ngayon ang babaeng tinanggap ko bilang sekretarya.Napakaganda niyang ngumiti.Simple lang siya pero may dating.Habang tinitigan ko siya naramdaman ko na lang ang pag init ng katawan ko. Ano ba nangyayari ,may iba sa babaeng ito.
"Unahan na kita Leah , dahil natanggap na kita isa sa pinaka ayaw ko sa trabahador ko ang hinahaloan ng landi ang trabaho."
"Makakaasa po kayo sir hindi po ako ganon "
"Isa pa Leah huwag na huwag kang magkakacrush sa akin "
"Promise po sir hindi po"
"Okay you may go"
"Thank you po ulit sir"
"Leah POV-
Ano daw ?? Huwag na huwag ka magkacrush sa kin? Sus feeling naman niya .Haler isa lang ang crush ko nuh si Emann lang .Siya lang laman ng puso kong ito .
Para na akong bubuyog na bulong ng bulong habang palabas sa building .Eh kakainis yung nag interview sa akin kanina napakafeeling gwapo.Gwapo naman talaga siya pero napakasuplado parang hindi marunong ngumiti.
"Maam ganda tanggap ka ba?" si kuya guard
"Opo kuya , magsisimula na po ako bukas" nginitian ko siya
"Goodluck maam, sana magtagal ka kay sir P" may ibig ipahiwatig na sabi ni kuya
Nginitian ko na lang siya at kumuway palabas ng building.
Masaya akong umuwi sa boarding house ko.Kinuha ko ang cellphone at saka tinawagan si inay .
"Hello nak ? kamusta ka na dyan" ? Nagkita ba kayo ni Hannah?"
"Okay lang po ako dito nay at alam mo ba may trabaho na po ako"
"Pedring halika ka dito si anak natin may trabaho na daw sa Maynila!" masayang tawag ni nanay kay itay.
"Opo nay , tay may trabaho na po ako dito kaya huwag kayo mag alala dyan .Nasa mabuting kalagayan po ako dito .Pagkasweldo ko po papadalhan ko kayo agad dyan ha"
"Ate chocolote po akin !" sigaw ng bunso namin
" sige sige miss na miss ko na kayong lahat. Bye na at paubos na ang load ko" .
"bye bye anak mag ingat ka dyan"
" bye ate miss ka na namin!" sigaw ng mga kapatid ko .
Ibinaba ko na ang tawag .Hindi ko sinabi kina nanay na hindi kami nagkita dito ni Hannah para hindi na sila mag alala pa sa akin .Napaisip tuloy ako kamusta na kaya si Hannah ? Bakit kaya hindi niya ako napuntahan sa airport .Hanggang ngayon kahit ilang beses ko na tinawagan ang numero niya wala pa ring sumasagot.
Alas syete na ako nagising .Dali dali akong bumangon at tinungo ang banyo para maligo na at makapagtoothbrush ..Pagkatapos ay dali dali ko nang sinuklay ang basa ko pang buhok.Kailangan kong magmamadali hindi na lang ako mag aalmusal at baka malate na ako sa alas otso kong pasok .First day ko pa naman sa trabaho ngayon .
Halos takbuhin ko papasok sa building .7: 45 na kasi 4th floor pa ang office ni sir Patrick .
"8:01 na bakit ngayon ka lang? Unang araw late agad? "
Nabigla ako sa pamilyar na boses sa likuran ko .Si sir patrick .OMG
"Good morning sir " .Sorry na late po ako traffic kasi ". hiyang hiya ako
"Kahit ano pa yan ang dahilan mo dito sa company ko bawal ang late nagkaintindihan ba tayo ?!" galit na sabi ni sir .
agang aga pero ang mga kilay nagkasalubong na naman .
"Okay po sir hindi na po mauulit" .
"Hintayin mo dito si Mrs Villamor siya ang magtuturo sayo ngayon ng mga trabaho mo ." isinara na niya ang pinto at iniwan akong mag isa.
Habang naghihintay kay Mrs Villamor ang sikmura ko naman ay panay tunog na parang kinakausap ako .Gutom na kasi ako kahit kape man lang hindi na ako nakainom sa sobrang pagmamadali. Apat na oras pa ang aking titisin bago maglunch break. Kakayanin ko ito.
Mayamaya pa may pumasok na babae .Nasa edad trinta na siguro at mukhang limang buwang buntis na .
"Hi maam good morning po." bati ko sa kanya .
Ngumiti siya palapit sa akin
"Magandang umaga din sayo Leah.Ako pala si Mrs Villamor.Halika rito sa loob at simulan ko na ang pagtuturo sayo ng mga gawain mo dito ".
Ito ang listahan ng mga dapat mong gawin bilang sekretarya ni sir Patrick
1.pagdating ni sir sa umaga Ipagtimpla mo ng kape at ilagay sa mesa niya
2. Ilagay mo rin ang mga scheduled meeting niya para sa araw
3.Ayusin mo ang mga papeles na kailangan para sa meeting
4
5
6 At marami pang iba
Hindi ko na tinapos ang pagbasa ng listahan.Naglalabo na ang paningin ko sa gutom.Babasahin ko nalang ulit mamayang hapon.
Naglipas ang ilang araw at maayos ang pagtatrain sa akin ni Mrs Villamor. Marami akong natutunan sa kanya tungkol sa kompanya , trabaho at sa ugali ni sir Patrick .
Ang sabi pa ni Mrs Villamor walang sekretarya daw ang nagtagal kay sir P maliban sa kanya. Sa pagkasuplado at bugnutin nito umaalis na lang ang mga bagong hired na sekretarya na walang paalam.Ang iba naman senasante niya na lang bigla kapag hindi niya nagustuhan .Bigla na lang ako kinabahan , paano pag ayaw sa akin ni sir , hindi maganda performance ko at masesante niya agad ako .Huwag naman sana kailangan ko ng trabaho .
-Patrick POV
"Leah !!!"
"Sir good afternoon sir patrick" natarantang bati nito .
"Ihanda mo ang mga papeles na pinagawa ko sayo kahapon , aalis tayo "
"Opo sir"
Habang sa byahe kami papunta sa lugar kung saan kami magkita ng isang malaking investor napansin kong napakatahimik ni Leah .
Sa labas siya nakatingin at ni minsan hindi niya ako tinataponan ng tingin .Iba siya sa mga naging sekretarya ko noon na panay pacute sa akin .
"Leah " basag ko sa katahimikan
"Sir?" bigla siyang umayos ng pag upo
"parang binagsakan ka ng langit dyan"
"Ai pasensya na sir may namiss lang ako " kita ko sa mata niya ang lungkot
"Sino namiss mo boyfriend mo? "
"Ai sir wa...."
"Nasa trabaho ka Leah kaya huwag mong haluan ng kadramahan mo , dapat ang utak mo sa trabaho ang foucs hindi dyan sa mga walang kwentang bagay "
"Pasensya na po sir" bigla naman siya natahimik .
Natapos ang meeting ng maayos . Mag alas singko na kaya napagdesisyonan kong wag na lang babalik sa opisina at isa pa napakalakas ng ulan .
"Leah saan ka nakatira ? Idaan na lang kita sa inyo napakalakas ng ulan sigurado akong mahihirapan kang makahanap ng masasakyan."
"Huwag na po sir .Malayo pa ang tinutuluyan ko , sasakay na lang po ako sa jeep."