Episode 2

1841 Words
-Patrick POV- Dahil sa sobrang lakas ng ulan at siguradong mahihirapan siyang makasakay pauwi 1idinaan ko nalang siya sa kanilang bahay . "Leah malayo pa ba tayo" "Malapit nalang po sir dyan lang sa kanto". Pinahinto niya ako sa harap ng isang maliit at lumang bahay. "Dyan ka nakatira?" tanong ko "Opo sir , nagrerent lang ako riyan taga probinsya po talaga ako. Hindi mo po ba nakita sa resume ko ? aba kiniquestion pa talaga ako. "Hindi " .wala naman sa interest ko ang malaman kung saang lupalop ng mundo ka nanggaling at puwede ba Leah stop using po at opo .Hindi naman ako masyadong matanda nasa 29 pa lang ako .Ikaw ilang taon kana ba ? " 22 po sir" " Kakasabi ko lang eh stop using po .Masyadong pormal . " Okay sir" . sagot niya "Salamat sir sa paghatid , mauna na ako." pamamaalam ni Leah " Sana naman bukas hindi ka na late. Palagi ka na lang kasi late sa pasok mo ." pagbabanta ko " Okay sir "pagbaba ay tumakbo na siya agad papasok sa lumang bahay. Habang nagmamaneho hindi mawala sa isip ko si Leah . Wala kasi siyang dalang payong nung pumasok sa kanyang tinutuluyan habang malakas ang buhos ng ulan.Malayo pa naman ang pinto mula sa gate kaya sigurado akong mababasa siya bago makapasok sa loob. "Eh ano naman pakialam mo sa kanya Patrick.?"sumbat ko sa sarili.Pakialam ko naman talaga don sa babaeng hindi ko naman kaano ano.Sekretarya ko lang naman siya kaya kung lalagnatin siya at hindi makapasok wala na akong pakialam don .Hahanap na lang ako ulit ng bagong sekretarya ang hindi palaging late , marami dyan ang gustong mag apply. Hindi dapat yan ang iniisip ko kundi kung ano naman ang ipadeliver kong pagkain para sa hapunan ko ngayon. Mag isa lang ako sa bahay . Ang mga kapatid ko kasi ay may mga kanya kanyang pamilya na .Ang dad ko naman ay masaya na rin siya ngayon kasama ang bagong asawa at mga anak. Namatay na kasi ang mommy ko mga anim na taon na ang nakaraan.Ayaw ko naman kumuha ng stay in maid. Mas mabuti na mag isa lang ako sa bahay . Kapag gusto ko ng kasama sa kama inoorder ko rin sa kaibigan ko na may ari ng sikat na bar.Hindi ko na kailangang pumunta pa doon. Palagi naman tumatawag sa akin si dad at ang mga kapatid ko mangungulit lang naman kung kailan daw ako magpapakasal para may makasama na rin ako sa buhay. -Leah Pov- "s**t !!! Bakit naman kasi natagalan pa ang paghanap ko ng susi sa bag ko kaya ito ako ngayon naligo na sa ulan. Pumasok ako sa loob at dali dali nang naligo. Pagkatapos ng hapunan naramdaman ko na parang ang bigat ng ulo ko .Sinisipon na rin ako at ang mga mata ko ay parang apoy na umusok sa init. May lagnat siguro ako, wala pa naman ako ditong gamot para sa lagnat .Malakas pa rin ang ulan kaya hindi ako makalabas para bumili ng gamot.Magpapahinga na lang ako at maaga pa ang pasok ko bukas. "Kuya please pakibilisan po " utos ko sa kay kuya "Maam traffic kaya wala tayong magawa ngayon kundi maghintay hindi ko naman puwedeng paliparin itong sasakyan" sagot ni kuyang taxi driver . Kahit may lagnat ako pinili kong pumasok .Ang problema late naman ako. Pasado alas otso na kasi akong nagising sa sobrang bigat ng ulo ko.Sigurado akong magagalit naman yung suplado kong boss , pinagbantaan na niya ako kahapon. -Patrick POV- "Saan na kaya ang babaeng iyon!!?" "s**t late na naman" !! Marami akong ipapagawa na papeles na gagamitin ko bukas sa meeting ko. 8:45 na pero hanggang ngayon walang anino ni Leah ang dumating. Hinanap ko ang kanyang resume para kunin don ang kanyang number.Kanina ko pa tinatawagan pero walang sumasagot. -Leah POV Pagbaba ko ng taxi nakaramdam ako ng hilo.Dito sa kabilang kalsada na lang ako bumaba hindi ko na pina Uturn si kuyang driver baka matagalan pa kasi siyang makasingit sa ibang sasakyan. Medyo nanlabo ang paningin ko habang patawid na at "Bang!!! " naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng malambot kong katawan sa kalsada. -Emman POV- Supresahin ko ngayon ang pinsan ko sa opisina niya .Matagal na rin kasi kaming hindi nagkita .Doon na kasi ako nag aral sa probinsya dahil sa sobrang pasaway ko dito sa Maynila noon kaya doon ako pinadala ni mommy at daddy sa lolo at lola ko at nang sa ganon tumuwid naman ang landas ko . "s**t traffic na naman!" .nahampas ko ang manebela. Ano kaya ang nangyayari sa harap ng building ni kuya Patrick at maraming tao.May disgrasya siguro.Habang palapit na napatingin ako sa babaeng nakahandusay sa kalsada habang ginigising ng isang ale . Laking gulat ko nang makita ang mukha ng babae .Hindi ako nagkakamali si Leah ang babaeng nawalan ng malay.Mabilis akong lumabas sa kotse ko at pinuntahan si Leah . "Leah ano nangyari sayo ?! " Ako na lang po bahala sa kanya kilala ko po ito " .Mabilis ko siyang isinakay sa kotse ko at dinala sa pinakalapit na ospital . -Patrick POV- "MARGARETTE!!" galit na tawag ko sa isang trabahador ko. "Sir?" mabilis siyang pumunta sa akin. "Ikaw na lang muna pansamantala gagawa ng mga gawain ni Leah" . "Bakit sir? Hindi ba siya papasok ngayon ? " tanong niya. "At sa palagay mo ba Margarette sa ganitong oras may matino pang empleyado ang papasok?" Alas dyes na pero hanggang ngayon wala pa siya !! singhal ko Hapon na pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makontak si Leah .Hindi na ako mapakali dito sa opisina ko , ano na kaya nangyari sa kanya?.Dali dali akong bumaba .Pupuntahan ko ngayon si Leah sa inuupahan niya. May nakita akong nakaparadang sasakyan sa labas ng lumang bahay .Siguro nagpark lang o may binisita sa isa sa mga umuupa. "Iho may kailangan ka? tanong ng isang matandang babae. "Magandang hapon po sayo lola" Nandyan ba si Leah? Boss niya po ako gusto ko sana siyang kamustahin , hindi po kasi siya pumasok ngayong araw. "Ay oo iho nandon siya sa loob ng kwarto niya nagpapahinga kasama si ay sino nga yun? hindi ko na maalala ang pangalan." "Boyfriend niya po? " "Hindi ko alam iho pero napakagwapo ng batang yun parang ikaw din" nakangiti pa si lola "At mukhang mayaman pa" dagdag pa niya "Ganon po ba, sige Lola hindi nalang ako papasok nag alala lang kasi ako baka ano na ang nangyari sa kanya" "Huwag kang mag alala iho parang okay naman si Leah narinig ko pa nga nagtatawanan sila sa loob kasama si pogi.Mukhang mabait naman ang kasama niya . Gusto mo bang tawagin ko siya ?" "Ay huwag na po Lola hindi na ako magtatagal at pakiusap ko po sana Lola na kung puwede huwag mo nalang sabihin sa kanya na pumunta ako rito" pakiusap ko "Okay iho walang problema" "Salamat po Lola " Aalis na po ako." Bigla akong nasaktan ng malaman kong may kasamang lalaki sa kwarto si Leah. Gwapo daw ang lalaki at mukhang mayaman din daw sabi ni Lola. Boyfriend kaya siya ni Leah .? Kung hindi boyfriend eh bakit magkasama sila sa kwarto .Nagseselos ba ako .? Hindi ko na alam kung bakit ito ang aking naramdaman ngayon .Siguro galit lang ako kay Leah kung bakit inuna pa ang pakikipaglandi sa lalaki niya kaysa sa trabaho.Kahit magpaalam man lang hindi niya magawa. -Leah POV- Nakalabing limang tawag ang unknown number sa akin Sino kaya qto? Baka si Hannah na kaya dali dali ko ring tinawagan . "Hello!!"boses ng lalaki sa kabilang linya "Hello??? Sino to ?" pagtataka ko "Ms Delos Santos tanungin lang sana kita kung gusto mo pa bang magtrabaho sa kompanya ko o ayaw mo na? " "Sir Patrick? Good evening sir ." kinakabahan ako ngayon .Naalala ko nawalan ako ng malay kanina mabuti na lang at nakita ako ng crush kong si Emman at dinala sa ospital .Sabi ng doktor kailangan ko lang daw magpahinga kaya hinatid nalang ako dito ni Emman sa inuupahan ko para hindi na ako mahirapan pa.Lagot ako ngayon sa boss ko dahil hindi man lang ako tumawag sa opisina . "Leah hinihintay ko ang sagot mo! Ituloy mo pa ba ang paggiing sekretarya ? dahil kung ayaw mo na maghihire na mlang ako ng bago". " Sorry po talaga sir kung hindi na ako nakapagpaalam kanina masama kasi ang pakiramdam ko Itutuloy po sir kailangan ko ng trabaho huwag mo naman po akong sisantehen sir kailangan ko ng pera .Maawa po kayo sa akin" pagmamakaawa ko "Talaga ? kailangan mo ng pera? Hindi ba sapat ang binibigay sayo ng boyfriend mo?Hindi ba mayaman ang boyfriend mo?" "Sir ano ba pinagsasabi mo wala akong boyfriend." "Eh sino kasama mo kanina? s*x partner mo lang yun ? Bakit hindi ka ba niya binayaran" ? At nagmamakaawa ka sa akin ngayon na huwag kang sesantehen dahil kailangan mo ng pera.? " "Sir hindi kita maintindihan ano ba pinagsasabi mo? Wala akong boyfriend o s*x partner .Masama lang ang pakiramdam ko kanina mabuti na lang tinulungan ako ng kaibigan ko kung wala siya siguro hindi ko na alam ano mangyayari sa akin" .umiiyak na ako , nasasaktan ako sa mga salitang binibitawan ni sir ngayon. "Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo Ms Delos Santos .Bukas kapag wala ka pa dito before 8 oclock , huwag ka nang pumasok pa .Alam mo naman siguro kung ano ang ibig kong sabihin" . " Okay sir" . Maaga ako ngayon nakarating sa opisina. "Oy Leah ano ba nangyari sayo kahapon ,alam mo ba galit na galit si sir Patrick?" si Margarette . "Masama kasi pakiramdam ko kahapon Marg " sagot ko "Eh sana tumawag ka Leah " "Yun nga e nakalimutan kong tumawag dito ng mas maaga ." Bigla kaming natahimik nang bumukas ang elevator at lumabas si sir sungit. "Good morning sir " bati ni Margarette at kumuway na siya sa akin at umalis na . "Good morning sir" bati ko kay sir. "Tiningnan niya lang ako at pumasok na sa opisina niya. Dali dali akong nagtimpla ng kape at inilagay sa kanyang mesa Hindi parin siya nagsasalita . "Sir sorry po talaga hindi na po mauulit " Hindi pa rin siya sumagot kaya umalis na lang ako ,nang mahawakan ko na ang door knob. "Leah" tawag ni sir "Sir? " napalingon ulit ako naglalakad na siya papunta sa akin . Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa door knob. At pasimpleng inilock ang pinto. "Sir bakit?" pagtataka ko at hinarap ko siya Pero laking gulat ko nang isang mapusok na halik ang sinagot niya sa akin . Bigla akong nanigas sa tinatayuan ko .Masyadong mahigpit ang pagkahawak ni sir sa panga ko habang ang likod ko naman ay nakasandal sa pintuan . Pilit ko siyang tinututulak pero masyadong mahigpit ang pagkahawak niya sa akin. "Si..." binukas ko ang bibig ko at sya rin ang hinihintay niyang pagkakataon para makapasok ang dila nya ..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD