Episode 3

962 Words
-Leah POV - Wala na akong magawa pa.Masyadong mahigpit ang paghawak niya sa akin.Hinayaan ko na lang na magsawa siya sa mga labi ko .Ipinikit ko ang aking mga mata .Kahit nagustuhan ko man ang halik niya masakit pa rin isipin na naibigay ko ang first kiss ko sa taong hindi ko naman mahal. Naramdaman ko nalang ang pagbitaw ni sir sa akin at sa mga labi ko .Inipon ko lahat ng lakas ko at binigyan ko siya ng isang napakalakas na sampal "Paaaaaak!!!!" napahawak siya sa pisngi niya "What the!! gulat niya "Ang bastos mo!!!! Mataas ang respeto ko sayo sir PATRICK dahil boss kita pero ano ang ginawa mo sa akin? !!!!" Nakabastos mo !! Manyak!! "Bakit hindi mo ba nagustuhan ?," ngisi niya "Mas magaling ba humalik ang lalaking yon kaysa sa akin ?" dagdag pa nito . "Sir ano ba pinagsasabi mo? !! Bakit palagi mo nalang sinasali ang lalaking kasama ko kahapon? Kung sino man siya wala kang pake don.Kung umasta ka ay parang boyfriend kita ?Boss kita sir .BOSS!!! sumisigaw na ako habang umiiyak. "Kaya kahit sino man ang kasama ko wala ka na don!! " May paki ako Leah dahil kung bakit inuuna mo pa siya kaysa sa trabaho mo! " palusot niya masyadong mababaw at malayo ang rason niya . "Diba sinabi ko na sa iyo na masama ang pakiramdam ko kahapon? , at mabuti pa nga siya eh may concern sa akin ,Eh ikaw? kahit kamusta manlang hindi mo magawa .Wala kang concern sa empleyado mo mas importante sa iyo ang trabaho!! . Natahimik siya . Dali dali akong lumabas sa opisina baka ano pa gagawin niya sa akin.Pumunta ako sa computer ko at gagawa ako ng resignation letter ko ngayon.Bahala na hahanap na lang ulit ako ng bagong trabaho kahit maliit lang ang sweldo. -Patrick POV Shiiit Patrick !! galit ako sa sarili ko Bakit hindi ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko si Leah. Miss ko siya gusto ko lang sana siyang yakapin pero bakit isang mapusok na halik ang naibigay ko sa kanya .Napakalambot ng labi niya kaya parang ayaw kong tantanan. Hindi ko na maintindihan ang naramdaman ko . Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Leah na may dalang papel, isang resignation letter? "No Leah hindi ka puwedeng magresign, tapos ang usapan!" "Ngayon na ang magiging last day ko sir papayag ka man o hindi ." "Para sa isang halik magreresign ka ? Halik lang yun Leah!" "Lang sir? ganon lang yon? Sir binastos mo ako kung sayo wala lang yon para sa akin pagbabastos na yun" ! "Hahahahhaha " malakas ang tawa ko . "Ano ba gusto mo Leah panagutan kita ?" magkano ba ang halik na yon at babayaran ko " "Paaaaaak!!!!" isa namang napakalakas na sampal ang binitawan niya . Dali dali siyang lumabas sa opisina at iniligpit na lahat ng gamit .Aalis siya ngayon. "Kung ituloy mo ang pag alis mo ngayon wala ka ng trabahong babalikan pa Leah!" sigaw ko Hindi na niya ako pinansin . Tumakbo siya palabas ng opisina at sumakay na sa elevator. Kasalanan ko kung bakit ito ang nangyari. Binastos ko si Leah at masasakit na mga salita ang naibigay ko sa kanya .Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko at nagseselos ako sa lalaking kasama niya kahapon . Alam kong iba si Leah sa ibang bababe dahil pinahalagahan niya kahit isang halik. Hindi ko siya puwedeng pakawalan dahil siya ang babaeng gusto kong pakasalan at gawing nanay ng mga anak ko.Dali dali akong lumabas sa opisina hahabulin ko si Leah . "Magandang umaga sir Patrick" bati ng gwardya "Si Leah ba nakalabas na?" tanong ko "Kanina pa sir , ang bilis pala tumakbo ni maam ganda "nakangiting sagot niya Biglang tumunog ang cellphone ko "Hello sir? Si margarette po ito , tumawag po kasi ang sekretarya ni Mr Chavez kanina pa kasi sila naghihintay sa hotel" May meeting pala ako ngayon. "Maghanda ka na dyan Margarette , ayusin mo mga pinagawa ko sayo kahapon aalis tayo" utos ko "Ako ang isasama mo sir, hindi si Leah?" "Umuwi si Leah may emergency sa kanila" tanging sagot ko. Bukas ko na lang pupuntahan si Leah . -Leah POV- Dalawang araw na ang nakalipas magmula magresign ako sa kompanya ni sir Patrick .Mabuti na lang at may naipon ako kahit malaki ang pinapadala ko sa pamilya ko tuwing sweldo. Malaki kasi ang sahod ko bilang sekretarya niya .Sa katunayan ilang buwan ko pa lang sa trabaho napaayos ko na ang aming bahay at nakabili na rin ulit si tatay ng mga kambing.Nakapag enroll na rin ang mga kapatid ko . Dahil sa desisyon kong umalis sa trabaho ito ako ngayon magsisimula naman muli. Biglang tumunog ang cellphone ko .Si nanay ang tumatawag. "Hello po nay ?" sagot ko "Hello nak ? Nak?; " si nanay umiiyak "Nay bakit ? Bakit po kayo umiiyak? "Nak ang tatay mo dinala namin sa ospital ngayon inatake sa puso kailangan niyang maoperahan ." Nak tulungan mo kami " "Ano?!!!" nabigla ako sa balita ni nanay "Kamusta siya ngayon nay?" "Sabi ng doktor kailangan daw niya maoperahan nak ng mas maaga " Kailangan ng down na naghahalagang dalawang daang libo bago nila maoperahan ang tatay mo " "Huwag kayong mag alala nay hahanap ako ng paraan, mag cacash advance ako sa tintrabuhan ko ngayon" umiiyak na sagot ko , hindi ko puwedeng sabihin kina nanay na nagresign na ako baka lalo pa silang mag alala Mabilis akong nagbihis .Pupunta ako ngayon sa kompanya ni sir Patrick, magmamakaawa ako sa kanya.Kahit sinabi niyang wala na akong trabahong babalikan alam ko na may natatagong kabutihan si sir .Kahit ano pa ang kapalit ng perang hihiramin ko ay tatanggapin ko ,maisalba ko lang ang buhay ng aking ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD