Episode 5

1546 Words
-Leah POV- Naging successful ang operasyon ni tatay .Mabuti nalang at naawa si sir Patrick sa akin at pinahiram niya ako ng ganon kalaking halaga .Kalahating milyon ang utang ko sa kanya .Kahit magtrabaho ako ng libre sa kanya matatagalan pa bago ko mabayaran yon at aabutin pa siguro ng ilang taon.Mabuti nalang at may tulong din na naibigay ang gobyerno para sa operasyon ni tatay kaya medyo malaki pa rin ang natitira sa perang inutang ko .Gagamitin daw nila nanay yon para sa pagbukas ng kaunting tindahan para kahit papano may pagkukunan sila ng panggastusin .Alam naman nila na wala na akong maibibigay na sweldo kasi napakalaking halaga pa ang babayaran ko sa amo ko. Biglang tumunog ang cellphone ko .Isang unknown number ang tumatawag . "Hello?" Hello Leah si Hannah ito , kamusta ka na?" "Han ?? Gulat na tanong ko "Bakit ngayon ka lang ulit nagparamdam , hindi mo ako sinundo sa airport" sumbat ko sa kanya "Sorry talaga Leah ,ang totoo sobrang nag alala ako sa iyo .Pinuntahan kita nung araw na yon sa airport kaso hindi na kita mahanap .Hindi rin kita makontak nadukot kasi ang cellphone ko non .Hindi ko naman kabisado ang number mo .Buti nalang at nagkita kami kanina sa mall ng isa nating kaklase noon .Sa kanya ako nakakuha ng number mo. " paliwananag niya. "Salamat naman at nakontak mo na ako Han. Sa wakas may makakaramay na rin ako dito sa Maynila ." " O bakit may problema ba? " tanong niya Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari simula noong unang araw ako dito sa Maynila .Pati na rin ang paghiram ko ng napakalaking pera sa amo ko para sa operasyon ni tatay . "Mabuti naman kung ganon .May maganda kang trabaho at mabait na boss Leah ". tanging sagot niya " Oy hindi nuh , alam mo ba na napakasuplado non ? Parang may dalaw nga araw araw eh ." Napatawa nalang siya . Bakit ikaw kamusta ka ba? " Saan ka nagtatrabaho ngayon?" pag iiba ko ng usapan "Saka ko nalang sasabihin sayo pagnagkita na tayo .Mahabang kwento Leah baka aabutin tayo ng madaling araw .Matulog ka na at may pasok ka pa bukas . Isend mo nalang sa akin ang address mo para mabisitahan kita riyan. Napahaba ang usapan namin ni Hannah at mag alalasdyes na pala .Kailangan ko ng magpahinga at maaga pa ako bukas sa opisina .Bukas namin pag uusapan ng boss ko ang tungkol sa pagbabayad ko ng utang .Kung kailangang mag overtime ako palagi gagawin ko .Hahanap din ako ng part time job para pandagdag din kita dahil sigurado akong ikakaltas ni sir yon sa sahod ko. Kakalimutan ko na rin yung paghalik sa akin ni sir Patrick .Nagsorry na siya sa akin at isa pa utang namin ang buhay ni tatay sa kanya.Simula bukas panibagong simula naman. "Good morning sir " masayang bati ko kay sir nang pumasok na siya sa opisina at dali dali narin akong nagtimpla ng kape para sa kanya . "Good morning Leah " OMG! binati rin ako ni sir at nakasmile pa siya? parang hindi si sir Patrick ang kaharap ko ngayon ah. Mas nadagdagan ang kanyang kapogian kapag ngumingiti siya . "yan ganyan dapat sir ang pogi mo pag nakasmile ka" . " So ano ang ibig mong sabihin ang pangit ko kapag hindi nakangiti? " " Ay hindi sir ang ibig kung sabihin lalo kang PUMUPOGI kapag nakasmile ka" nahihiyang tugon ko "Crush mo ba ako?" seryosong tanong niya Naalala ko isa pala sa rules niya na ayaw niyang magkacrush ang isang sekretarya niya sa kanya . "Ai hindi sir .Si emman lang ang crush ko nuh? mabilis kong sagot "Emman? " Sinong emman ? tanong niya . "Basta sir crush ko siya noon pa pero hindi niya alam " nakangiting sabi ko . "Napakagwapo niya kasi sir matangkad , makisig , mabait , basta boyfriend material or puwede na ring husband material " kinikilig na pagkasabi ko . "Hindi ako nagtatanong tungkol sa kanya Leah kaya hindi mo kailangang idescribe sa akin. Wala akong pakialam sa kanya ." galit siya. "Ang suplado , parang may dalaw " .bulong ko sa sarili ko . "May sinasabi ka ba dyan Leah?" narinig niya yata . "Ai wala sir, kumakanta lang ako " . palusot ko "Stop it para kang bubuyog " .insulto yon ah "Sir may girlfriend ka na ba? tanong ko sa kanya "Wala.bakit?" tipid niyang sagot "Nainlove ka na ba" tanong ko ulit "Anong klaseng mga tanong yan?" "Siguro hindi pa sir nuh kasi ang taong inlove dapat palangiti hindi ganyan na parang namatayan ng pusa araw araw " . "Ms Delos Santos dont waste my time para sa mga ganyang mga tanong .Kanina kapa dyan nagtitimpla ng kape hanggang ngayon hindi ka pa tapos?" naiinis na siya "Ay ito na sir ,pasensya na medyo natagalan " inilagay ko na sa mesa ang kape niya "Sir tungkol sa perang hiniram ko kahapon paano ko po yon mababayaran?" "Diba sabi mo kahit anong kapalit tanggapin mo?" balik na tanong niya sa akin " Ang ibig ko pong sabihin sir kahit anong trabaho ipapagawa mo sa akin tatanggapin ko , kahit tagalaba ng mga damit mo okay sa akin , lahat sir kahit maging janitress ako dito tatanggapin ko, kahit ano sir huwag lang pumatay ng tao" . paliwanag ko "Ikaltas niyo na lang sa sweldo ko sir puwede ba? " Magtatrabaho ako ng libre dito hanggang mabayaran ko na ang buong utang ko sa inyo kung kinakailangan kong mag overtime gawin ko sir" pahabol ko "Okay" .tipid niyang sagot "Yun lang sir ?" pagtataka ko "Ano ba gusto mong isagot ko ? Baka magbago pa ang isip ko at hihingi ako ng kapalit sa utang mo Leah" .pagbabanta niya " Ay okay na sir .Magtatrabaho ako ng libre dito ." lumabas na ako sa opisina ni sir Patrick at pumunta na sa mesa ko , baka kasi magbago pa ang isip niya. Habang abala ako sa pagrereply sa mga emails biglang may pumasok sa pinto. Baka may kailangan kay sir Patrick .Bago kasi makapasok sa opisina ni sir dadaan muna dito sa puwesto ko . Tiningnan ko kung sino ang pumasok at laking gulat ko na si Emman ang lalaking nakatayo sa harapan ko . Hindi niya ako napansin dahil abala pa siya sa cellphone niya. Ano kaya ang kailangan niya .OMG .!! bigla akong napaisip .Hindi kaya kapatid siya ni sir Patrick o isang malapit na kamag anak? Emmanuel Rodriguez ang buong pangalan ni Emman at si sir ay isang Rodriguez din Patrick Anthony Rodriguez ang kanyang . Ang tanga ko at bakit ngayon ko lang naisip na kaapelyedo pala sila . Inilagay na niya sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone at humarap na sa akin . "Ms .Mar .... Leah?!! gulat siya ng mamukhaan ako "Nginitian ko siya , Hi emman may kailangan ka ba kay sir Patrick?" "Wait wait dito ka pala nagtatrabaho? hindi pa rin siya makapaniwala. "Oo ilang buwan na ako dito .Sekretarya ako ni sir Patrick" sagot ko "Pinsan ko si Patrick .Bibisitahin ko siya nandyan ba siya sa loob?" Tumango ako. "Sige papasok muna ako ha babalikan kita dito mamaya ". paalam niya - Patrick POV- Biglang bumukas ang pinto . Nandito naman ang makulit kong pinsan . "Ano naman kailangan mo ?" May pinaplano ka naman bang gimik at nandito ka para anyayahan naman ako? " Inunahan ko na siya kilala ko na itong pinsan ko . "Siyempre bisitahin ka" masayang sagot nito. "Kuya sekretarya mo pala si Ms Leah Delos Santos?" nabigla ako sa tanong niya "Bakit kilala mo ba siya?" nagtatakang tanong ko " Kilalang kilala kuya" "Ano ? bakit ?saan kayo nagkakilala? " "Schoolmate ko siya nung college at naging malapit na kaibigan ko rin sya . Ang totoo nga hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya , mahigit pa doon .Matagal ko na siyang gusto ngunit takot akong ligawan siya baka iiwasan pa ako .Medyo hard to get kasi yan eh" paliwanag niya "Emmanuel kung pinaplano mong ligawan siya huwag mo na ituloy ayaw ko na ang isang sekretarya ko ay girlfriend rin ng pinsan ko .Parang ang akward naman non " . "Bakit hindi ba yan magawan ng paraan? If ever man maging kami , puwede naman siya magresign bilang sekretarya mo kuya ." "Enough ! Sinasabi ko nga sayo na hindi puwede! Maghanap ka nalang ng iba dyan huwag ang sekretarya ko Emman. Maraming babae dyan ." galit na ako sa kanya . "Op op bakit ka naman nagagalit kuya ?.Pinaplano ko pa nga lang e hindi ko pa naman ginawa." pagtataka niya "Hindi ako galit." tanging nasabi ko pero ang totoo kinocontrol ko lang ang galit ko sa kanya dahil pinsan ko siya . "Hahanap pa naman ako ng magandang timing kuya .Pero siguraduhin kong maging akin si Leah kahit ayaw mo pa." natahimik ako sa sinabi nya . "Sige kuya hindi na ako magtatagal . Nagpunta ako dito para yayain ka sana. Pupunta sana ako sa bar ni Ethan mamaya pero nagtext si Mommy na may importanteng bisita daw kami mamayang gabi at kailangan daw nandoon ako kaya sa susunod na lang." at naglakad na siya palabas ng opisina ko .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD