Matapos ang isang buwang preparasyon ay dumating din ang pinakahihintay naming araw ni Patrick . Ang araw ng aming kasal. Pumunta dito sa Maynila sina Itay at inay para maihatid ako sa kaltar. Nandito rin si Hannah at Ethan na masayang masaya para sa amin ni Patrick. Nagsimula na ang music kaya nagsimula na rin silang lumakad papasok sa simbahan .Hanggang sa kami nalang ng aking mga magulang ang naglalakad papuntang altar kung saan naghihintay si Patrick.Nakita ko ang pagpahid niya sa kanyang mukha ng panyo , siguro pinawisan siya.Ngunit noong malapit na kami hindi lang pala pawis ang pinapahiran niya kundi ang mga luhang kusang pumapatak sa kanyang mga mata .Umiiyak siya ngayon habang nakatingin sa akin. PARI : “ Bago tayo magsimula ,may tumututol ba sa pag iisang dibdib ni Patrick

