Tyronne's POV Binuksan ko ang ilaw ng bahay ni Allison. Umiikot na ang mundo ko sa sobrang hilo. Kapag alis ko doon ay bumili na lang ako ng sarili kong beer at doon ako sa kotse uminom. Buti na lang at hindi ako nasagasaan. Napalingon ako at halos lahat sila ay nasa sala. Tulog na sila maliban kay Blake. "Bakit nandiyan yang mga yan?" Tanong ko habang hinuhubad ang sapatod ko. "Hinihintay ka. Sira ba yang relo mo at hindi mo man lang nalaman kung anong oras na?" Inis kong hinagis sa kanya yung sapatos ko. "Ano bang pakielam mo?! Wala na si Allison, Blake. Hindi mo na kailangang mag panggap na isa kang mabuting kapatid sa akin." Napasandal ako sa pinto. Sa gilid ng mata ko kita ko ang pagbangon nila. Nagising sila sa pag sigaw ko. Nangilid ang luha ko nang pumasok sa utak ko yung sin

