Tyronne's POV Nagising ako ng masinagan ako ng araw. Agad kong minulat ang mata ko at tumambad sa akin si Allison. Litrato ni Allison. Napangiti ako at mabilis na bumangon. "Goodmorning Allison. I love you at hihintayin ko ang muli mong pagbabalik." Nag ayos na muna ako bago bumaba ng handan. Nasa bahay kami nila Allison halos tumira. Ako dun sa kwarto ni Allison natutulog. Kapag baba ko nakita ko silang kumakain na. "Yan na, gising na si Tyronne." Masayang sabi ni Venus. Napatitig ako sa kanila. Masaya silang kumakain. Napatingin ako sa upuan. Yung upuan na laging inuupuan ni Allison. Bakit? Bakit parang nakalimutan na nila si Allison? Nakalimutan na nila na may isang taong nag buwis ng buhay para sa kanila? Nagagawa nilang tumawa sa kabila ng pag hihirap ni Allison. "Tatayo ka n

