2 years later... Venus's POV Dalawang taon na ang nakalipas at parang kahapon lang yung nangyari at hanggang ngayon sariwa pa rin yun sa utak ko. Yung buong detalye na nangyari. Maraming nag bago sa dalawang taon. Nag-bago... Hindi na si Tyronne ang nakakasama namin ngayon, ibang iba na siya. Sa dalawang taon na yun halos lahat ng pera niya ay ginagastos niya para mag hire ng mga magagaling na tao para hanapin si Allison dahil naniniwala siyang buhay pa si Allison. Gusto ko din maniwala. Pero kasi dalawang taon na ang nakalipas wala kahit anong bakas na buhay pa si Allison. At alam ko kung buhay pa si Allison at kung nagtatago lang ito sa amin ay alam kong binabantayan niya kami pero hindi. Kasi nung pare parehas kaming desperada at desperado tinaya namin ang buhay namin. Flashback

