Ally's POV Nandito kaming lahat sa hospital at hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala. Halos isang oras kaming naghintay pero walang lumabas na Terrence, Drake, Allison at Daryl miski anino nila ay hindi namin nakita. Umiiyak hanggang ngayon si Tyronne at nag wawala. Pinapahanap ang katawan ni Allison kung talagang patay na nga ito. Pero hirap na silang maidentify kung kaninong katawan ang mga nandun dahil halos abo na lang ang natira doon at maraming patay na tao ang nasa loob ng building na iyon. Napatingin ako sa bintana at napatulala sa langit. Why do I have this feeling na hindi pa dito nagtatapos ang lahat? Na may kasunod pa. Bahagya akong napangiti. "Gusto niyo bang malaman ang nangyari saming dalawa ni Allison?" Napunta sa akin ang atensiyon nila. Wala akong nakuhang

