Duke's POV Si Daryl naging mabuti siyang kaibigan sa akin. Hindi niya pinagdamot sa akin ang mga kaalaman niya. At mahal na mahal niya si Allison na halos lahat kaya niyang isacrifice para kay Allison. Kaya hinding-hindi ko mapapatawad si Terrence. Ang kamatayan ni Terrence ay hindi pa sapat. Kulang pa yun. Mabilis akong sumugod kay Terrence at sa isang iglap lang sakal-sakal ko na ito. "B-it-awan m-o acckk" Lalo ko pang diniin ito sa pader. Nagsisimula ng mag iba ang kulay ng mukha nito. Tama yan. Napalingon ako ng may pasugod na sa akin. Ang mommy nila. Tinaas ko ang paa ko at sinipa ang mukha nito. Walang kahit na sino ang makakapigil sa kagustuhan ko. Mabilis kong binitawan si Terrence pero hindi pa ito nakakabawi ng apakan ko ang leeg nito. "Pahihirapan kita gamit mismo ang

