Third Person's POV "Mukhang may nakakalimutan kayo." Biglang nag iba ang aura ni Alexis. Ibang iba sa kaninang aura nito. "Ako parin ang ina ni Allison at kung ganun kalakas si Allison, ano pa ako?" Mabilis pinaghiwalay ni Alexis ang magkalapit na Allison at Duke. Tumalsik si Duke buti na lang at nabalanse ni Allison kaya hindi ito tumalsik tulad ni Duke. Lumapit si Alexis kay Duke. "Kung pano ginawa mo sa anak ko, ganun din ang gagawin ko sayo." Sinakal ni Alexis si Duke. "f**k you b***h" Kahit sakal sakal na ni Alexis si Duke ay nagawa parin nitong mag salita. "Ackk" Nag iiba na ang kulay ng mukha nito at hirap ng huminga. Pinilit nitong tanggalin ang pagkakasakal nito dito. Bago pa malagutan ng hininga si Duke may sumipa na kay Alexis. Muntik itong matumba sa sobrang lakas n

