Third Person's POV "Napatay din kita." Nakangiting sabi ni Drake. Napaatras si Allison at biglang napaluhod. Mabilis nitong hinugit ang kutsilyo at isang nakakabinging sigaw ni Allison ang manalagi sa buong paligid. Napahiga naman si Allison at unti-unting bumibigat ang kanyang pag hinga. Halos maligo na ito sa sarili niyang dugo. "Katulad din ako ni Allison kaya alam ko ang kahinaan niya." Ngumisi si Drake "Kahit barilin ko pa si Allison walang silbi hanggang hindi mo napapatamaan ang puso niya." Agad silang nagsilapitan kay Allison. Si Alexis ay nakatayo lang doon at nanginginig. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Diba ito ang gusto niya? Ang mamatay sila? Pero bakit hindi niya matanggap na mamamatay na si Allison? Nagsimula ng tumulo ang mga luha nito. Unti-unti ng bumigat

