Chapter 19 Lisa’s Pov HALOS naikot namin ang buong mall at lahat ng madaanan ko ay binibili ko kapag gusto ko. Minsan nga ay pinipilit pa ako ni Kevin na bilhin ang bagay na yun pero hindi ko naman gagamitin kaya hindi ko kinukuha. Napagod ako sa paglalakad kaya gusto ko ng umuwi. Nakakapagod din pala maglibot libot para mag shopping. Dati kasi pangarap ko lang ‘to eh. Naiingit ako sa ibang babae na nakakapag shopping ng marami. Ako kasi ay hanggang limang items lang dahil nagpapadala din naman ako sa nanay ko. Kapag alam kung hindi masakit sa bulsa ang gusto ko ay bibilhin ko. Pero ngayon na naranasan ko na ay ang sakit pala sa paa. Nakakapagod din pala. Parang ayaw ko ng umulit pa. Si Kevin kasi eh.. kasalanan talaga niya ‘to. “Napagod ka na, baby?” Tanong ni Kevin sa ‘kin. Masa

