Chapter 18 Lisa’s Pov PUMASOK kami sa isang mall at mas lalo akong nagulat dahil walang katao-tao. Napahinto tuloy ako sa paghakbang at tumingin sa paligid. Nasa likod ko naman si Kevin na walang imik at hinahayaan lang ako. “Anong tinitignan mo?” Biglang tanong ni Kevin sa ‘kin. Tumingin ako sa kanya at agad na napangiwi. “Wala naman. Nagtataka lang kasi ako dahil walang masyadong namimili sa mall na ‘to? Ganito ba talaga dito?” Tanong ko sa kanya dahil halos ang nakikita ko lang ay mga sales lady at guardya. Kaya nagtataka ako kung bakit ganun. “Wala bang pera ang mga tao dito kaya hindi sila makapunta dito sa mall?” Tanong ko kay Kevin kaya natawa siya ng mahina. Hinawakan niya ang balikat ko saka niya ako tinulak ng mahina upang maglakad na akong muli. “May mga pera ang mga ta

