Chapter 17 Lisa’s Pov AKALA KO ay nagbibiro lang si Kevin nang sabihin niya na aalis kami ng maaga upang bibilhan niya ako ng skin care. Inis ako sa kanya pero dahil sa sinabi niya ay sasama ako sa kanya. Mukha akong skin care eh, kahinaan ko yun. Nakapagbihis na ako at hinihintay ko na lang si Kevin na may inaayos pa sa kusina. Hindi ako komportable sa suot kong damit dahil ang laki sa ‘kin. Naiinis ako dahil mukha akong basahan. Gusto kong magpabili sa kanya ng bagong damit para naman may matino akong damit habang nandito ako sa bahay niya. Matagal pa ang three months kaya pwede pa akong magpabili ng damit. Kapag nag reklamo siya ay kakaltukan ko ang mata niya. Subukan lang niya ng makita niya ang hinahanap niya. Napatigil ako sa pag iisip ng lumabas na si Kevin at lumapit sa ‘kin.

