Perfect Match: Chapter 1 – Her resilience
TULALA ANG DALAGA na bumalik sa bahay nila pagkatapos ng delubyong nangyari. Namatay ang mga magulang niya dahil sa paglamon ng tubig sa kanilang bahay at pati sa mga naninirahan malapit sa dagat. Sira-sira at halos walang bahay na natira. Naghihinagpis ang mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay, kasama na ang dalagang si Cindy.
“Mama, Papa.” Umiiyak na sambit niya. “Sabi ‘nyo po sa’kin hindi ‘nyo ako iiwan. Paano na ako ngayon?” nakaluhod siya sa buhangin at patuloy sa pag-iyak. “Paano na ako kung wala na kayo? Hindi ko na alam kung paano ko paiikutin ang buhay ko.” Napaupo siya sa buhangin at nakatingin sa karagatan.
Maganda ang buhay ni Cindy Celestino bago mangyari ang hindi inaasahang pangyayaring iyon. Nagpaalam pa siya sa magulang niya na pupunta siya sa Orani Bataan, sa kaniyang kaibigan upang ibalita ang scholarship na inaalok sa kanya ng mayamang babae mula sa Manila. (Ang Orani Bataan ay isang lugar na malayo sa dagat)
“Mia! Mia!” pagtawag ni Cindy sa kaibigan sabay katok sa pintuan.
“Teka lang, Cindy.” Sagot naman ni Mia. Kaagad na lumapit si Mia sa Pintuan at pinagbuksan siya ng pinto. “Oh friend, napadalaw ka?” patanong na sambit ni Mia. “Gabi na aa.” Dugtong pa nito.
“Guest what, friend kung anong pinunta ko rito?” masayang sabi ni Cindy. Si Cindy ay isang masiyahin at matatag na babae. Lagi siyang positive thinking sa buhay.
“Pasok ka muna.” Lumakad sa loob si Mia at pumunta sa sofa, sumunod naman si Cindy at saka sila naupo.
“O’ ano ba ‘yon?” nakangiting tanong ni Mia. “At ang saya-saya ng friend ko.”
“Someone asking me to be a scholar.” Ipinakita ang screenshot sa phone niya. Masaya si Cindy ngunit may konting pag-aalala siyang nararamdaman kung tatanggapin ba niya o hindi ang opportunity na iyon. Kinuha naman ng kaibigan niya ang phone niya at binasa ang naka-screenshot.
“Scholarship grant to Miss Cindy Celestino.” Wika ni Mia. “Wow friend, I’m happy for you. Hurry up! Call the person who offered to you the scholarship program and say ‘Yes, I accept your offer.’ O’ di ‘ba? At saka magiging Manila girl ka na.” masayang-masayang sambit ni Mia.
“Kaso friend…” Medyo malungkot na mukha ang napakita ni Cindy sa kaibigan.
“Kaso?” Taas-kilay namang tanong ni Mia.
“Parang ayaw kong tanggapin. Ayaw kong iwan dito sila mama at papa. Ako ‘yong nag-iisa nilang anak. Sino nang makakatulong nila rito kapag tinanggap ko ito?” At napatingin sa phone niya.
“But friend, Isipin mo ha? Tinanggap mo ‘yong offer sa’yo edi makakapag-aral ka at makakapili ng kursong gusto mo. Apat na taon lang naman ‘yon at mabilis lang naman ang paglakad ng taon lalo na at malilibang ka na rin do’n. Pagkatapos ng apat na taon na iyon, maa-achieve mo na ‘yong pinangarap mong maging ikaw balang araw. Mas magiging maganda at matutulungan mo ang mga magulang mo na maiahon sa kahirapan. Mas mabibigyan mo sila ng mga bagay na gusto mong ibigay sa kanila. Mas magiging magaan ang buhay nyo.” Explain ni Mia.
“Pero apat na taon akong wala sa tabi nila. Apat na taon kaming magkakawalay.” Malungkot na sambit ni Cindy.
Tumayo si Mia “O s’ya. Sabihin mo na lang sa mayamang babae na iyan na hindi mo na tatanggapin ‘yong offer nila sa’yo at ibibigay mo na lang sa friend mo. Oh ‘di ba?” At ngumiti si Mia. “At sa gano’n, super pasasalamat ko… una, s’yempre sa’yo na friend ko at kay God dahil tinanggihan ng bestfriend ko ang alok sa kanya at ibinigay pa sa akin. Matutulungan akong makapag-aral sa Manila at take note, libre pa lahat ‘tapos natulungan din kitang hindi malayo sa mga magulang mo. Win-win situation, hindi ba? Mananatili ka rito habang ako magkakaroon ng scholarship program sa Manila.” Itinaas ni Mia ang kilay niya at tumingin kay Cindy ng seryoso.
“Are you sure, you are willing?” Seryosong tanong ni Cindy sa kaibigan. Tumawa naman ang kaibigan niya at ti-nap ang shoulder niya.
“Baliw ka talaga! Imagine hah, pareho tayong nag-apply diyan pagkatapos ikaw ‘yong napili tapos sasayangin mo? Ayaw mo ba ‘yong makakapag-aral ka ng kolehiyo at sa magandang university pa?” At naupo ulit.
“Syempre gusto ko! Sobrang pasasalamat ko nga kay God kasi binigyan niya ko ng blessing na gaya nito.” Explain niya.
“Edi, grab it!”
Marami pa silang napag-usapan. Nang gabing iyon pala, sabay taas ng tubig sa Limay Bataan kung saan nakatira ang dalagang si Cindy Celestino. Ang Limay Bataan ay isang lugar malapit sa dagat. Sa kabila nang masasayang tawanan ng magkaibigan ay sabay lamon ng tubig sa lugar ng Limay Bataan, ang tirahan ng dalaga.
Nalaman na lang ng dalaga ang nangyari nang mapanood nila ito sa television at sinabing may bagyong tumama sa Limay Bataan. Nag-high tide ang tubig at nilamon ang lahat ng bahay sa lugar na iyon. Napatayo ang dalaga.
“What?” napatigil ang mundo ni Cindy at hindi alam ang gagawin kaya naisipan niyang maglakad palabas ng bahay nang pigilan siya ng kaibigan.
“Friend.” Sabay hawak sa braso niya. Humarap naman si Cindy sa kaibigan at kitang-kita sa kanya ang takot at pag-aalala.
“Ang mama at papa ko.” Wika ni Cindy habang patulo na ang luhang namuo sa mga mata.
“Friend, Gabi na. Bukas ka na umuwi.” Pigil ng kaibigan niya.
“Pero ang mama at papa ko. Paano sila?” worried na worried na sambit niya. Malakas ang hangin at ulan sa labas. “Kailangan nila ako.”
“Friend. Lumalakas ang ulan at may bagyo pa. Mapanganib kung ngayon ka pa aalis. Siguro naman, lumikas ang mama at papa mo at ligtas sila. Mas mag-aalala ako kapag umalis ka ngayon. Dito ka muna hangga’t masungit pa ang panahon.” pagpapaliwanag ni Mia.
“Pero, friend…” Hindi pinatapos ni Mia ang kaibigan sa pagsasalita.
“Wala ka ring magagawa, friend at mag-aalala rin ang mga magulang mo kung nando’n ka.”
Sumang-ayon na lang si Cindy. Tahimik lang siya at nakaupo sa sofa. Iniisip niya ang mga magulang niya hanggang sa nakatulog na siya.
Kinabukasan, Maagang umalis si Cindy sa bahay ng kaibigan niya. Hindi na siya nagpaalam sa kaibigan dahil tulog pa ito. Pagkadating niya sa lugar nila, tumulo kaagad ang luha sa kanyang mga mata dahil sa nakita niya. Walang ni-isang bahay ang natira at buhat-buhat ng isa sa mga rescue teams ang mga labi ng mga tao na naninirahan doon, at ang ilan sa mga rescue teams ay naghahanap pa rin. Tumakbo si Cindy hanggang sa makarating siya sa kinatatayuan ng bahay nila.
“Mama, Papa!” At napaluhod siya sa buhangin. “Nasan na po kayo? Mama! Papa!” Sigaw ni Cindy at lumakas na ang pagtangis niya.
“Iha!” Isa sa rescue teams ang lumapit sa kanya. “Gagawin namin ang lahat para mahanap ang mga labi ng lahat ng taong naninirahan dito.” Wika nito.
Napa-angat ng tingin si Cindy. “Hindi pa patay ang mga magulang ko.” Mariin na sambit niya.
“Ngunit, ayon sa report walang nakalikas dahil sa biglaan ang lahat.” Tugon ng rescue man.
Dahil sa sinabi ng lalaki, tinalikuran niya ito.
“Mama, Papa.” Mas lumakas ang pag-iyak ni Cindy. “Sabi ‘nyo po hind ‘nyo ako iiwan. Nasaan na po kayo ngayon? Paano na ako ngayon? Paano ako kung wala na kayo?” At napaupo na sa buhangin si Cindy. “Hindi ko na alam paano ko paiikutin ang buhay ko? Bakit ‘nyo po ako iniwan?” Sigaw ni Cindy. Nawala ang matatag nitong tiwala sa sarili, gumuho ang ikot ng mundo niya.
Napakasakit ang mawalan ng mga mahal sa buhay at iyon ang nararamdaman ni Cindy ngayon. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap lang iniwan na siya ng mga magulang niya. Hindi niya akalaing gano’n kabilis ang lahat. Seventeen years old palang siya at nangangailangan pa ng gabay ng magulang pero kaagad itong binawi sa kanya. Iyak parin nang iyak si Cindy hanggang sa may yumakap sa kanya mula sa likuran niya.
“Friend.” Worried na boses ang narinig ni Cindy. “Bakit umalis ka kaagad sa bahay?” Tanong ng kaibigan niya na nananatiling nakayakap sa likuran niya.
Naaawa siya para sa kalagayan ng kaibigan niya. Ngayon lang niya nakita ang kaibigan niyang tulala at wala sa sarili. Ngayon lang niya nakita ang weak side ng kaibigan niya. Gusto niya itong tulungan ngunit wala siyang magawa kung hindi ang damayan ang kaibigan sa pagkakataong iyon.
“Wala na sila.” Matamlay na sambit ni Cindy. Kumalas sa pagkakayakap ang kaibigan at pumunta sa harapan ni Cindy. “Wala na si mama. Wala na si papa.” Habang patuloy sa pagluha ng mga mata nito. “Paano na ako?” hinang-hina na sabi ni Cindy.
“I’m here.” Wika ni Mia. Niyakap niya ulit ang kaibigan. “Huwag kang matakot. Di kita iiwan.” At napahagulgol si Cindy at niyakap pabalik ang kaibigan.
Iniuwi na ni Mia si Cindy sa kanilang bahay. Wala siyang matutuluyan kaya in-offer ni Mia ang kanilang munting tahanan since sila na lang ng lola niya ang magkasama sa buhay. Pumayag naman ang lola niya na sa kanila muna mamalagi si Cindy.
“Umupo ka muna, friend.” Wika ni Mia sa kaibigan. “Ikukuha muna kita ng maiinom.” At tumungo sa kusina si Mia. Naupo naman si Cindy sa sofa. Pagkakuha ni Mia ng inumin, iniabot niya ito sa kaibigan at naupo na rin siya.
“Friend, I’m Sorry!” sambit ni Mia.
Napatingin si Cindy sa kaibigan at ngumiti.
“Bakit ka nagso-sorry?” tanong ni Cindy. “Hindi mo kasalanan ang nangyari.” At ti-nap ang shoulder ng kaibigan niya. “Naalala ko ang sinabi ng parents ko. Gan’yan talaga ang buhay. May dumarating at may umaalis. May nagbabago at may nanatili. Kaya dapat sinusulit natin ‘yong bawat oras kasi hindi natin alam kung bukas kasama pa natin ‘yong mga taong nakasama natin. ‘Yong mga mahal natin sa buhay. Dapat lagi tayong grateful sa lahat ng bagay at sitwasyon kasi ‘yong oras kapag lumipas na.” at umiling siya. “Hindi na natin maibabalik pa.” At tumulo ang luha niya pagkatapos niyang sabihin iyon.