THINGS BECOME TOO complicated para kay Cindy dahil sa mga kinikilos ni Joel. Pagkatapos ng argument nila sa may Garden ay iniwan na niya ito upang makahabol sa first orientation nila. Dahil nga newbie siya, gusto niyang maging pamilyar sa mga dapat at hindi dapat gawin sa University. Kailangan niya rin kasing ma-maintain ang kaniyang grade para sa scholarship na mayroon siya.
Nang makarating na siya sa tapat ng classroom niya, kaagad siyang napansin ng professor nila na nagsasalita sa harapan ng klase.
"Good morning ma'am. Pasensya na po at na-late po ako." dali-daling wika ni Cindy at hinahabol pa ang hininga dahil sa pagmamadaling makarating sa classroom at maabutan ang first orientation.
"Oh ija. Halika rito sa unahan. Ikaw 'yong newbie scholar dito, tama ba?" pag-approach sa kaniya ng professor nila.
Tumango naman si Cindy at saka lumakad papunta sa harapan kung saan nakatayo ang professor nila.
"Yes po ma'am."
"Newbie na liar!" komento ng isang studyanteng babae.
Nakaramdam si Cindy ng kung anong kaba sa dibdib, hindi lang dahil sa narinig niyang komento ng isang studyante sa kanya kun'di dahil sa mga tingin ng mga kapwa studyante niya sa kanya na para na siyang hinuhusgahan mula ulo hanggang paa. Ngunit kahit gano'n, hindi nagpakita ng pagkaapekto si Cindy.
"Okay! Kindly introduce yourself to us." utos ng professor nila. Buti na lang at mabait ang unang professor nila kaya hindi nawala kay Cindy ang pagiging confident niya sa pagsasalita at pagtayo sa harapan ng klase.
"Okay po ma'am." wika ni Cindy at tumingin sa mga kaklase niya, "Good morning everybody. I'm Cindy Celestino, the newbie scholar here. I hope that my four-year stay here will give me grow and create a friendship to everyone of you. And ofcouse, i hope that we'll enjoy our college life not to pressure. That's all. Thank you." nakangiting wika ni Cindy.
Halata naman sa mga kaklase niya na parang hindi siya gusto, at alam naman niya ang puno't dulo kung bakit. Ngunit wala siyang magagawa dahil kung hindi naman dahil doon, wala rin siya ngayon sa kinakatayuan niya. Need niyang tanggapin kung ano man ang magiging resulta ng lahat at kung ano ang magiging mundo niya sa pinasok niya. "Hay nako, Sir Joel." wika niya sa isip niya habang nakatingin kina Gelai at Moira.
"Okay Cindy, now have a sit." at nagpatuloy ang professor nila sa pagsasalita.
Naglakad naman si Cindy papunta sa bakanteng upuan kung saan naroon ang gamit niya. At pagkatapos ay nagsalita na ng nagsalita ang professor.
Pagkatapos ng pagsasalita ng Professor, tumunog na rin ang bell senyales na lunch time na. Hindi pa man nakakatayo si Cindy sa upuan niya ng mapansin niya si Joel sa pinto, nakatingin ang lahat sa kanya.
"Huwag nyong sabihing sinusundo niya ang newbie na scholar na liar na yan?" inis na wika ni Gelai.
"I think so..." sagot naman ni Moira.
Habang naguguluhan ang lahat ng studyante sa room 202 sa kung anong relasyong mayroon sa pagitan ni Joel at ng newbie scholar na si Cindy, kaagad ng tumayo si Cindy at kinuha ang mga gamit niya. Naglakad na siya papunta kay Joel na nakatayo sa may tapat ng pintuan nila.
Pagkalapit na pagkalapit niya, "Let's have a lunch together." bungad nito sa kanya. Kaagad namang nagbulungan ang lahat sa narinig nilang pag-aya ni Joel kay Cindy.
Ngumiti naman ng bahagya si Cindy kay Joel, 'Gusto mo kong maging famous' wika niya sa isip niya habang nakatingin sa kabuuan ng mukha ni Joel na nakatitig din sa kanya, 'P'wes, sasakyan kita!' wika sa kanyang isipan.
Kaagad namang inabot ni Cindy ang dala niyang bag, napatingin naman si Joel doon. Habang ang mga kaklase nila ay hindi mapakali sa nasasaksihan nila.
"OMG! Ang kapal ng mukha na ipadala pa ang bag niya kay Joel." inis na wika ng isang babae. "Feeling naman niya dadalhin ni Joel 'yan." dugtong pang wika.
Tumingin muna si Cindy sa babaeng nagsalita, napaiwas naman ng tingin iyon sa kanya kaya ibinalik na niya ang tingin niya kay Joel. "Hindi mo ba kukunin? Nangangawit na kasi ako." seryoso pa niyang turan kay Joel.
Napataas muna ang isang kilay ni Joel bago niya kunin ang bag na inaabot ni Cindy.
"Good." nakangiting wika ni Cindy habang ang buong studyante ng Room 202 ay sobrang naiinis sa nangyayari. "Let's lunch na together." at humawak pa si Cindy sa braso ni Joel. Napaseryoso si Joel ng tingin ng dahil doon habang ang mga studyante ay...
"Its confirmed!" walang enerhiyang wika ng isang babae.
Napawalk-out naman sina Moira at Gelai.
Habang naglalakad sila pababa ng hagdan papuntang Canteen.
"Kunwari ka pa na ayaw mo ng treatment ko, bibigay ka rin pala" nakangising wika ni Joel habang patuloy sila sa paglakad.
"Ay oo sir." pagsakay ni Cindy sa trip nito. "Kung ganyan ba naman treatment, sinong hindi bibigay?" malambing na wika pa niya.
Napataas ulit ang isang kilay ni Joel, "So dapat ba e gawin nating official 'to!" patanong na wika ni Joel hanggang sa nakarating na sila sa Canteen.
"Depende sa perfomance ng treatment mo." at ngimiti si Cindy kay Joel bago pumunta sa bakanteng pwesto. Sumunod naman si Joel, at nilagay ang bag nila sa upuan at mauupo na sana siya nang, "Sinong o-order ng foods natin?" pagkatanong ni Cindy no'n, napahinto si Joel sa pag-upo.
"So? pag-o-orderin mo ako ng foods? Papipilahin mo ako sa order lane? Hindi ba dapat ikaw ang gumagawa niyang dahil boss mo ko?" sunod-sunod na tanong ni Joel at napataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Ay gano'n ba?" maang-maangang sagot ni Cindy, "Akala ko kasi you treat me right eh." at ngumiti ng bahagya, "Sige, para di ka na magsungit diyan ako na ang pipila. Ano bang gusto mong pagkain?" at tumayo si Cindy.
Napakunot-noo naman si Joel. "Okay." tipid niyang sagot saka tumalikod at pumunta sa order lane.
Naupo na lang ulit si Cindy at nakangiting nakatingin kay Joel na nakapila sa order lane. Mahaba ang pili sa order lane sa Canteen ngunit dahil sikat nga pala siya sa campus ay pinauna na siya ng mga studyante. 'Ibang klase talaga itong boss ko!' wika ni Cindy sa isipan niya.
Nang maka-order na si Joel ay imbis na siya ang magdala ng mga order ay mayroon pa siyang taga-dala ng pagkaing in-order niya. 'Kagrabe ba!'
Pagtataka ang nasa mukha ni Cindy nang sandaling nailapag na ang in-order na pagkain. Isang order na gulay na may sahog na hipon at isang order ng menudo. Kukunin na sana niya ang menudo nang pigilan siya ni Joel.
"Hindi 'yan sa'yo." seryosong wika ni Joel, napakunot-noo naman si Cindy na nakatingin sa kanya.
"Huwag mong sabihing gulay ang order mo sa'kin sa dinami-rami ng menu ng pagkain?" patanong na wika niya kay Joel at kaagad naman tumango ito. Napasimangot naman si Cindy at naiinis sa lalaking kaharap niya. Nagsimula ng kumain si Joel habang si Cindy ay nakatingin lang sa ulam niya. Hindi niya magalaw-galaw ang pagkain niya dahil allergic siya sa hipon.
"Hindi ka ba kakain? Ang choosy mo naman sa ulam. Ako pina-order-order mo tapos magiging pihikan ka r'yan." masungit na wika ni Joel. Umirap naman si Cindy sa kanya bago tumingin sa dako ng order lane. "Gusto mong umorder ng panibago?" sunod na tanong nito. "Kaya lang sobrang haba parin ng pila. At may 20 minutes na lang tayo at tutunog na ang bell meaning tapos na ang lunch break." dere-deretso nitong wika.
"Pwede bang tumahimik at kumain ka nalang dyan!" inis na wika ni Cindy. "Hindi rin naman ako mabubusog sa kakasalita mo." at saka tumayo.
"Aba! tinatarayan mo ang boss mo?" seryosong wika ni Joel.
"Ang sarap mo kasing kasabay maglunch, sir." at saka lumakad papunta sa order lane.
Hindi pa man nakakarating sa order lane si Cindy,
"Ngayon ka palang o-order ng lunch mo?" tanong ni Aeron sa kanya dala-dala na niya ang lunch niya.
"Mayroon na, kaso 'yong in-order kasi sa'kin ng boss ko hindi ko p'wedeng kainin." mahinang wika ni Cindy, pagtataka naman ang nasa mukha ni Aeron. "Allergic kasi ako sa hipon." bulong pa niya.
Napatingin si Aeron na p'westo ni Joel hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Tumingin muna siya sa pagkaing nakalagay doon bago bumalik ng tingin kay Cindy.
"Gusto mo swap na lang tayo kesa pipila ka pa at o-order?" pagtatanong ni Aeron sa kanya. Napatingin si Cindy sa adobong manok na dala-dala ni Aeron.
"Hmmm, nakakahiya naman sa'yo." mahinang boses niya.
"No problem. Mahilig naman ako sa hipon eh." at saka ngumiti si Aeron, napapatingin din ang ilang studyante sa kanila hanggang sa, "Tara sa p'westo mo at sabay na tayong maglunch." at saka naglakad si Aeron papunta kung saan nakap'westo si Joel.
Napakunot ang noo ni Joel ng makita niya si Aeron at inilapag ang lunch food nito sa table. Kaagad namang dumating si Cindy, kaya nabaling ang tingin ni Joel.
"Sayo na itong lunch ko," at inusod pa niya ang upuan para paupuin si Cindy, "Maupo ka na."
Ngumiti na lang si Cindy at saka naupo. Hindi maipinta ang pagmumukha ni Joel habang nakatingin sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin at nagsimula na siyang kumain dahil gutom na gutom na siya habang si Aeron naman ay kumakain na rin ng pagkaing in-order ni Joel para kay Cindy.
Dahil hindi nagugustuhan ni Joel ang nakikita niya ay kaagad siyang tumayo at naglakad palabas ng Canteen.