MASAYA SI Cindy pagkatapos ng naging usapan nila ni Joel, at naalala niya ang nabasa niyang libro na may linyang: "Every friend was once a stranger and if you know this, you have to understand that conversations are the beginning of connection" by Israelmore Ayivor. Pagkatapos ng buong klase nila, nagpasya si Cindy na agad ng umalis sa kanilang classroom ngunit hinarang siya nina Gelai at Moira. "Cindy. Saan ka pupunta?" taas kilay na tanong ni Gelai sa kanya, "Member ka na namin hindi ba? May hidden place tayo kung saan tuturuan ka naming gawin ang mga bagay na kalakip ng pagiging queens campus." dugtong pa nitong wika. "Im sorry, guys." matapang na wika ni Cindy, "Pass pala ako sa pagiging queens campus." pagkasabi ni Cindy no'n, kumunot ang noo nina Gelai at Moira. "Hindi ka na pwe

