Perfect Match: Chapter 3 – She meets her boss

1969 Words
NANG NASA GARDEN na si Misis Grace, nakita niya ang dalaga na naghihintay. Maganda ang dalaga at mukhang masiyahing tao. Nagdere-deretso si Misis Grace hanggang makarating sa kinaroroonan ng dalaga. “Iha.” Bati ni Misis Grace. Tumayo naman ang dalaga at masiglang bumati. “Hello po madam. Ako po si Cindy Celestino. ‘Yong tinawagan ‘nyo po kagabi.” Halata sa pagsasalita ni Cindy ang kaba. “Sitdown, iha!” Pagkasabi ni Misis Grace no’n ay kaagad siyang naupo sa upuan do’n. Natutuwa si Misis Grace dahil masiyahin ang dalaga at maamo ang mukha kahit na halata rito na kinakabahan siya. Sa tingin ni Misis Grace ay hindi siya nagkamali nang naisip. Ang gawing P.A. or Personal Assistant ang dalaga para may magre-report sa kanya at malalaman niya lahat tungkol sa kanyang anak. “So, iha! Willing ka ba na i-grab ang offer ko? Magiging personal assistant ka ng anak ko kapalit ng pag-aaral mo at tirahan mo. Lahat ng magiging gastos mo habang nag-aaral ay covered lahat.” Seryosong tanong ni Misis Grace kay Cindy. Ito na lang kasi ang tanging naiisip na paraan ni Misis Grace para bumalik ang anak niya sa dati. “Yes, madam. I am willing to grab the opportunity that you gave in me.” Determinadong wika ni Cindy. “At nagpapasalamat din po ako sa pagbibigay ng opportunity sa akin. Sa pagtustos sa aking pag-aaral at pagpapatira po sa’kin. Maraming salamat po, madam.” Masayang sabi ni Cindy kay Misis Grace. “Okay iha! I like the way you talk to me.” At ngumiti si Misis Grace. “Ang cute-cute mo.” Hinawakan pa nito ang kamay ni Cindy at sumeryoso. Kaagad namang kinabahan si Cindy. “Cindy, sana hindi ka sumuko sa anak ko. Napakalaking tulong nito, iha.” “Opo madam.” Seryosong sagot ni Cindy. Pagkatapos ng usapang iyon. Pina-guide na ni Misis Grace ang dalaga sa mga maid. Pinaturo ang kwarto nito at ang kwarto ng kanyang anak. Masaya naman si Cindy kahit na isang buwan palang ang nakalilipas noong araw na namatay ang mga magulang niya. Kailangan niya kasing maging malakas at ipagpatuloy ang kanyang buhay. Kailangan niyang gawin ito para sa kanyang sarili. Sarili lang nya ang makatutulong sa kanya. Nasa k’warto siya ngayon at humilata muna sa kama upang makapagpahinga. Magkatapat ang kwarto niya at ang kwarto ng nasabing amo niya, si Joel Earl. Mga ilang oras lang, iniayos na niya ang mga gamit niya at saka naisipan niyang lumabas at kumatok sa kwarto ng amo niya. Walang sumasagot sa loob ng kwarto kaya nagdesisyon na siyang pumasok sa loob. “Wow! Ang ganda ng kwarto niya ah.” Bulong niya na halatang amaze na amaze sa buong paligid ng kwarto ng binata. Inayos niya ang mga naka-display nang biglang… “Hey!” Wika ng binata. Nakahubad ang upperbody nito at nakatuwalya lang ang pang-ibaba. Mukhang galing sa shower. Gulo ang buhok at medyo basa pa ang katawan. Pagkaharap ni Cindy, nagulat siya at napatakip ng mukha. “Who are you?” Masungit na tanong ni Joel at lumapit na ito sa dalaga na nakalagay parin ang dalawang palad sa mukha. “Hmm… Ano… I’m –.” dahan-dahan niyang tinanggal ang palad niya sa mukha at iniabot sa binata ang right hand niya. “I’m Cindy.” Hindi pinansin ni Joel ang nakalahad na kamay ni Cindy. Pumunta si Joel sa pintuan at binuksan ang pinto. “Get out!” seryosong utos nito sa kanya. Pumunta naman si Cindy sa pintuan kung saan nando’n si Joel at ngumiti siya rito. “Mmm. Teka lang muna.” Pasimulang pagsasalita niya, tumaas naman ang isang kilay ni Joel. “I am your Personal Assistant.” At ngumiti ulit siya kay Joel. “At tomorrow po, you need to wake up early dahil mag-eenrol po tayo.” Feeling close na sabi niya. Kumunot lalo ang noo ni Joel sa narinig niya. Iniwan niyang bukas ang pinto at naupo sa kama. “It’s my mom, right?” Seryoso nitong tanong sa kanya. “Sir Joel.” At nag crossed-arm pa siya. “Tomorrow, i-eenrol kita. Sa ayaw mo po at sa gusto, ako na po ang laging makakasama mo.” Lumapit siy kay Joel at tinapik ng mahina ang shoulder nito. “See you tomorrow.” Ngumiti muna ulit siya kay Joel bago lumabas ng k’warto. Bumalik na si Cindy sa kwarto niya at saka humilata ulit sa kama. Napatakip pa siya ng unan sa mukha niya. “Hoo hoo!” hingang malalim. “Hindi ko akalaing gwapo pala ‘yong amo ko.” Wika nito sa sarili niaya. “pero…” at kaagad siyang napaupo. “Kailangan kong galingan. Scholarship at tirahan ito.” At saka nahiga ulit. Kinabukasan, maagang gumising si Cindy upang i-check kung nakapagluto na at naka-prepare na ang breakfast. Naka-pajama pa siya at T-shirt na maluwag. “Good morning po, Manang.” masiglang bati ni Cindy. Ngumiti naman si Manang. “Hmm... Manang, ready na po ba ‘yong breakfast ni Sir Joel?” Medyo nahihiya pa niyang tanong sa matandang kasambahay. “Oo iha, ready na.” at ngumiti si manang sa kanya. “Okay po.” Iyon na lamang ang nasabi niya at saka tumalikod kay Manang Tess. “Wait lang.” wika nito sa kanya, ang matandang kasambahay. Napaharap naman si Cindy. “Bakit po?” curious na tanong niya kay Manang Tess. “Ikaw ‘yong Personal Assistant ni Sir Joel, tama ba?” seryosong tanong nito sa kanya, napatango naman si Cindy. “Opo, ako nga po.” At ngumiti siya pagkasagot niya sa tanong ni manang. Kaagad namang may inabot si Manang tess sa kanya na notes. Napataas ang kilay niya pagkaabot na pagkaabot no’n. “Kapag may time ka, basahin mo ‘yan. Makatutulong ‘yan sa’yo.” Ngumiti si Manang Tess saka nagpatuloy sa ginagawa niya. “Okay po. Salamat!” pagkasabi niya no’n. napatingin siya sa notes na hawak na niya ngayon. Maraming naging katanungan sa isip niya hanggang sa nagsimula na siyang maglakad. Pumunta na si Cindy sa k’warto niya upang maggayak. Pagkatapos ay dumeretso siya sa pintuan ng kwarto ni Joel. “Sir Joel!” tawag niya habang kumakatok sa pinto. Paulit-ulit niyang kinatok ang pinto at tinawag si Joel ngunit walang sumasagot kaya nag-decide na siyang pumasok. Pagkapasok niya, nakita niya ang amo niya na nakahilata pa at nakatakip ng unan sa mukha. “OMG!” bulong niya sa isip niya at saka sinimulang gisingin ang amo niya. “Sir… Wake up na po. It’s already 6 o’clock in the morning.” Niyugyog niya ito. Tinanggal naman ni Joel ang unan sa mukha niya at minulat ang mata. “What?” iritadong tanong ni Joel. “Umaga na po.” At hinila ni Cindy ang braso ni Joel para bumangon na sa pagkakahiga. “Mag-eenrol po tayo today.” Dugtong na wika pa niya. Hinila naman ni Joel ang braso niya upang mapabitaw si Cindy sa pagkakahawak. “Get out!” Inis na utos ni Joel kay Cindy saka nagtalukbong ng kumot. Napataas ang kilay ni Cindy. “Attitude ha!” “Sir Joel.” Sabay hila niya sa kumot na nakatakip kay Joel. Nabigla si Cindy sa nagawa niya kaya kaagad na napaupo si Joel sabay kuha ng unan niya at tinakip sa suot niyang short na maikli. Sinamaan siya ng tingin ni Joel ngunit ngiti naman ang iginanti niya at nagpatay-malisya sa nangyari. “Sabi ko po kasi sir gising na at mag-e-enroll pa po tayo eh.” Mahinahon niyang sabi kay Joel. “I said get out!” Matalim na mata ang ibinato nito sa kanya. Kahit na kinakabahan siya sa mga tingin ni Joel sa kanya at dahil na rin sa hindi pa niya kabisado ang ugali ng lalaki ay hindi siya nagpatinag. Kinuha niya ang braso ni Joel at hinila para tumayo na sa kanyang kama. Sa paghinila niya, hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari. Hinila siya nito pabalik kaya napadapa si Cindy kay Joel. Napasubsob ang mukha niya sa dibdib ni Joel kaya kaagad naman siyang tumayo at namula. “Ano ba sir!” Iritado niyang pag-angal. Napangisi naman si Joel. “You liked it? You want more?” nakangising tanong nito sa kanya. Medyo nainis si Cindy sa ugali ng amo niya. Tinaasan niya ito ng kilay at saka sunod-sunod na nagsalita. “Like your face, sir!” Inis niyang sagot. “Sir, nandito ko para gisingin kayo at sabihing mag-gayak na dahil mag-e-enroll po tayo ngayon.” At nag-crossed arm pa si Cindy. “Alam mo, sir… Kung naggagayak ka na sana ngayon edi sana hindi nasasayang ‘yong oras natin.” Lumipat si Cindy sa kabilang side ng kama ni Joel at itinulak niya si Joel. Nalaglag naman ito sa lapag. “Ouch!” napakunot ang noo nitong tumayo mula sa sahig. “You know you are very annoying!” Saka ito pumunta sa pintuan at binuksan ulit ang pinto. “Just please get out of my room.” Mariin nitong utos sa kanya ngunit tumingin lang siya rito kahit na matalim ang mga tingin nito sa kanya. Mayamaya, bigla na lang nailang si Joel dahil naalala nito na nakapang-tulog pa pala siya – Naka-topless at boxer short. Pinipilit naman ni Cindy na hindi mailang dahil kailangan niyang lakasan ang loob niya sa lalaking kaharap niya ngayon. Naiinis si Joel sa babaeng nasa harapan niya na si Cindy. Naiinis din siya sa mama niya dahil binigyan siya ng P.A. kahit na alam naman ng mama niya na kayang-kaya niya ang kanyang sarili. Nakangiti pa rin si Cindy habang nakatingin kay Joel na nakahawak sa doorknob ng pinto. “Sir, baka naman po pwede nating bilisan para makaalis na tayo.” At itinaas niya ang kilay niya. “Parang bata naman...” Pabulong na reklamo niya. “Lumabas ka!” buong-buo at seryosong utos ni Joel sa kanya na ramdam niya ang pagngatog ng tuhod niya dahil sa pagkasabi iyon sa kanya. Saka lumakad si Joel papuntang Cr. “Maggagayak na ko.” At sabay pasok nito sa bathroom. Imbis na ipahalata niya ang kaba na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib, kinontrol niya iyon upang hindi mahalata ni Joel. “Hay salamat!” sunod niyang wika. “Marunong ka naman palang magtagalog eh.” Dugtong pa niyang biro upang ialis ang kaba sa dibdib niya. “Bilisan mo ha, sir.” Sigaw pa niyang sabi kay Joel bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. NAGGAYAK na si Joel. Naiinis siya dahil may nang-iistorbo na sa kanya. Ang nakakapag-init pa ng ulo niya ay sobrang ingay nito. Ayaw naman niyang kausapin ang mama niya tungkol dito kaya hinayaan na lang niya si Cindy. Sa isip ni Joel, susuko rin ang dalagang iyon sa kanya. Pagkatapos ng paggagayak niya. Lumabas na siya ng kwarto at nakita niyang nakasandal si Cindy sa pader malapit sa pintuan ng kwarto niya. Lumapit ito sa kanya. “Grabe sir, ang tagal mo maggayak para ka palang babae kung kumilos.” Wika ni Cindy sa kanya. Hindi niya rin nagugustuhan kung paano siya kausapin ni Cindy. “Shut up! Okay?” Inis niyang sabi. Ngumiti naman si Cindy sa kanya. Lumapit pa ito ng konti sa kanya upang iayos ang kwelyo ng polo shirt na suot niya. Medyo tumingkayad pa si Cindy upang maabot nito ang kwelyo niya. Habang inaayos ni Cindy iyon, nakatingin lang siya ng seryoso kay Cindy at nakaisip ng salitang p’wedeng ibato sa dalaga. “So, do I have to lower myself a little so you can reach the collar of my polo shirt?” nakangisi niyang tanong kay Cindy. Ngumiti lang si Cindy sa kanya upang ipakita na hindi siya naiinis ngunit pansin niya ang pagbabago sa mukha nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD