TONH3- Hospital

1302 Words
Marahan ngunit sigurado ang bawat hakbang ni Aril pauwi. Nararamdaman na niya paunti-unti ang sakit na dulot ng pagtama ng bola sa kanyang mukha pati na ang pagkakabagsak niya sa kalsada kaninang tanghali. May namataan siyang isang botika kaya maingat niyang pinarada ang munting kariton sa gilid. “Miss, ano pong pwedeng gamot sa kirot?” magalang niyang tanong sa tindera. “Pwede pong Mefenamic acid Maam,” anito. “Pagbilhan nga tatlo,” aniya. Naglabas ng pera ang dalaga sa kanyang belt bag at binayaran na ang gamot. Samantala, namataan ni Kelvin ang kariton na may munting steamer doon sa malapit sa botika. Imbes na umuwi na ay ninais ng binata na personal na humingi ng paumanhin sa tinamaan niya ng bola. Nakita na niya si Aril at namumutla ito kaya nilapitan niya. Hinawakan niya ang braso ng dalaga nang madama niyang mainit ito. “Miss, okay ka lang?” tanong ni Kelvin dito. Umangat ang nakayukong si Aril pero wala siyang maintindihan sa sinabi ng estranghero. Lumalabo ang kanyang paningin at bigla siyang nilamig. Hindi niya namalayan ang unti-unting pagtakas ng kanyang ulirat. Mabuti na lang at naroon si Kelvin. Bago pa man bumagsak sa semento ay nasalo niya ang dalaga. Nagulat ang taga-botika at lumapit ang tindera. “Hala Sir? May ginawa po kayo sa customer?” akusa nito kaagad kay Kelvin. “Wala Miss. Pero tinamaan ko kasi siya ng bola kanina sa liga. Kita mo at may bandage pa siya sa mukha. Pwede makiusap na itago muna ang kariton niya sa tindahan ninyo. Ako na ang kukuha niyan bukas at dadalhin ko muna siya sa ospital.” Tuluyan ng kinarga ni Kelvin ang dalaga at nakiusap na ipara siya ng taxi ng tindera. Nang may dumaang taxi, sakto at walang pasahero. Nagpahatid si Kelvin sa driver sa pinakamalapit na hospital. Panay ang tingin ng driver kay Kelvin habang nagmamaneho. Natawa ang binata at para mawala ang duda nito ay umimik na siya. “Kuya, hindi ko po pinakialaman itong pasyente ha? Ako ang may kasalanan kung bakit tinamaan ng bola ang mukha niya. Kita mo may benda pa ang kanyang ilong. Tapos nasagasaan ko pa siya ng motor kaninang umaga at ayaw naman magpadala sa hospital. Kaya, mukhang nilagnat yata siya,” paliwanag niya sa driver. “Mabuti naman po at kargo ninyo ang pagpapa-hospital. Kilala ko ang batang iyan.Taga-roon sa amin ‘yan sa may looban. Hayaan mo at sasabihan ko ang kanyang tiyo para mapuntahan kaagad sa pagdadalhan mo. Ako nga pala si Temyong, iho.” Ilang minuto pa, dumating na sila sa St. Ignatius Hospital. Sinamahan pa ni Mang Temyong si Kelvin na ipa-admit si Aril. Nang masiguro na naasikaso na ang dalaga. Nagpaalam na ang matanda na susunduin ang tiyuhin ng dalaga. “Sir, kaano-ano po ninyo ang pasyente?” tanong ng nurse. “Ako po yong nakabundol kaninang umaga sa kanya ng aking motor. Ayaw naman niya magpadala sa clinic at umalis kaagad. Ito naman pong naka-bandage niyang ilong ako rin po ang nakatama ng bola sa mukha niya,” mahinang usal ni Kelvin sa nurse. “Naku Sir, buti na lang at nakonsensya kayo at dinala ninyo siya sa hospital. May lagnat po ang pasyente at kailangan po niya na sumailalim sa maraming test tulad ng x-ray at suriin ang kanyang dugo.” Inabot ng nurse ang isang form kay Kelvin at kaagad itong umalis. Sa kawalan ng malalapitan ay tinawagan ni Kelvin si Joseph. “Hello, pare puntahan mo muna ako dito sa St. Ignatius hospital.” Nilahad ni Kelvin ang nangyari sa kaibigan at kaagad naman itong umoo na tutulungan siya. Matapos ang kalahating oras ay dinala si Aril sa isang ward. Sinabihan si Kelvin ng nurse na puntahan na ang pasyente roon. Minamasdan ni Kelvin si Aril. Naawa siya sa dalaga dahil bakas sa katawan nito ang pagtatrabaho ng mabigat. Matangkad ang dalaga pero hindi proportionate ang katawan nito sa tangkad niya. Halata pa na walang-wala ito sa uri ng damit na suot nito. Ang sling bag nito na naglalaman ng benta nito ng balut ay medyo mabigat. Halos magkasabay lang na dumating ang tiyuhin ni Aril at si Joseph. “Pasensya na po sa abala Sir,” nakayukong saad ni Boyet. “Naku, kasalanan ko po talaga Kuya. Kaninang umaga nabundol ko ng motor itong pamangkin ninyo at ayaw magpadala sa hospital. Kanina naman sa liga ay tinamaan ang kanyang mukha ng bola.” Napayuko si Kelvin sa hiya. Kahit naman bulakbol siya ay hindi niya ugali manakit ng mas mababa ang katayuan sa kanialng pamilya. “Umuwi na po kayo. At ako na ang magbabantay sa pamangkin ko,”alok ni Boyet. “Kami na po Kuya. Nakakahiya naman at baka may pasok pa kayo sa trabaho. Ihahatid na lang po namin si Aril sa inyo kapag pwede na siya ma-discharge.” Binigay ni Kelvin ang kanyang contact number kay Boyet at nangako na kokontakin ito sa oras na pwede na ma-discharge ang pasyente. ****** “Wala naman po kaming nakitang bali sa kanyang hips dahil sa sinabi ninyong pagkakabundol niya. Medyo nalamog lang ang kanyang mga kalamnan. Ang kanyang ilong naman ay wala rin kaming makita na-damage. Over fatigue po ang pasyente at kulang yata sa tamang nutrisyon. Medyo mababa ang kanyang kanyang pulang dugo at dehydrated siya,” anang doktor na nag-rounds. “Let’s call the bet quits Pare. Kawawa naman pala ang isang ito,” ani Joseph. Biglang na-guilty ang kaibigan ni Kelvin nang malaman ang miserableng kalagayan ng kalusugan nito. Napatango si Kelvin sa sinabi ng kaibigan. Parang sinuntok ang kanyang dibdib sa naisip nilang paglaruan ang kaawa-awang dalaga. Bata pa ito pero halatang bugbug ang katawan sa pagtatrabaho at naisipan pa nilang pagpustahan. Samantalang siya na bente kwatro na ay hindi maipasa-pasa ang board exams. Maswerte siya kung tutuusin dahil kahit wala pa siyang trabaho ay hindi siya pine-pressure kanyang pamilya. Tiningnan nilang magkaibigan ang suot nitong damit pati na ang sapatos nito na halos matanggal na ang swelas sa kalumaan. Malinis naman ang damit ng dalaga ngunit halatang luma na ito. ******** Unti-unting binuka ni Aril ang kanyang mata. Hindi pamilyar sa kanya ang paligid na pulos puti at naamoy niya ang pinaghalong alcohol at panlinis. Nang tingnan niya ang kamay, may nakakabit na swero. Nasa hospital siya, iyon kaagad ang tumatak sa kanya isip. Luminga siya sa paligid ngunit nag-iisa siya. Ang huling natatandaan niya, bumili lang siya ng gamot para sa p*******t ng katawan at bigla na siyang pinanawan ng ulirat. Bigla niyang naalala Nang may dumaan na nurse ay nagtanong si Aril dito kung sino ang nagdala sa kanya roon. Siya naman ang pagdating ni Kelvin na may dalang brown bag na amoy pritong manok. Tumunog ang tiyan ni Aril at natawa na lang ang nurse. “Maam, siya po ang nagdala sa inyo rito kagabi. Ako po umasikaso sa inyo nang i-admit kayo rito.” Nagpaalam na ang nurse sa kanila at umalis na. Biglang tinubuan ng hiya si Aril sa pag-aalburuto ng kanyang tiyan. Napayuko siya at nagkulay kamatis ang kanyang buong mukha. hindi niya matingnan ng diretso ang lalaking nagdala sa kanya sa hospital at iniisip niya ang abala na naidulot dito. “Kumain ka muna at halatang gutom ka.” Inabot ni Kelvin ang dalang pagkain sa dalaga. Kahit bantulot ay inabot ni Aril iyon at nasagi niya ang kamay ng binata. Para siyang napaso na nilayo ang kanyang magaspang na mga kamay sa malambot na kamay ng binata. Tiniis ni Aril ang hiya dahil ramdam na talaga niya ang pagkalam ng sikmura. Hindi siya nakapaghapunan kagabi bago nawalan ng ulirat. Nakayuko siyang kumakain ng pritong manok at kanin na nasa wax paper. May dalang tubig si Kelvin at nang makita na tapos na kumain si Aril ay inabot niya iyon sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD