TONH4- Sabunot

1307 Words
“Salamat,” ani Aril. Sinara niya ang bote ng tubig at hindi niya kayang tingnan ang binatang naistorbo niya sa kanyang pagkakaospital. Tama nga ang sapantaha ni Kelvin, mahiyain ang dalaga patunay nito ang ayaw siyang tingnan. Umupo siya sa hospital bed at kinuha ang kamay ni Aril na kaagad naman nitong binawi na tila napaso. Napangiti si Kelvin lalo at hindi katulad ng mga babae na halos magkandarapa na mapansin lang niya. “Sorry. Ako nga pala si Kelvin Trinidad. Ako iyong nakabundol sa iyo kahapon ng tanghali at iyong may kasalanan bakit natamaan ka ng bola sa mukha.” Hindi inaalis ni Kelvin ang paningin sa mukha ng dalaga at lihim niyang sinuri ang itsura nito. Maamo ang mga mata nito at makipot ang ilong na may ilang pekas na naligaw sa tungki nito. Maputi rin ito na halata sa pamumula ng mga pisngi nito lalo at laging babad sa ilalim ng araw. Kahit medyo maga ang bandang ilong nito, hindi maikakaila ang kagandahan nitong simple lang. “Ako po si Aril, Aril Santacruz.” Tipid ang naging sagot ng dalaga at kaagad na yumuko. Hindi siya sanay na inaalagaan ng ibang tao, lalo pa at lumaki siyang natutong alagaan ang sarili mag-isa. Naiilang siya sa pagbibigay ng atensyon ng taong nakabundol sa kanya. Hindi naman siya galit dito lalo pa at alam niyang hindi niya ito sinasadya. “Huwag ka na mag-alala sa babayaran dito sa hospital, ako na ang bahala.” Pagkatapos ng ilang palitan ng salita, muli silang naging tahimik hanggang sa nakarinig sila ng nag-aaway. “Nasaan ba kasi ang bwisit na babaeng ‘yan? Ang arte-arte! Tumatakas pa talaga sa obligasyon sa bahay!” anang tinig. Napapikit si Aril dahil boses iyon ng Tita Eresh niya. Hinahanda na niya ang sarili sa magiging sermon nito. Nabubulahaw na ang ibang pasyente na nasa ward sa lakas ng boses nito at ang mga watcher ay napapailing na lang. “Iyang bunganga mo Eresh. Maghunos-dili ka nga nakakahiya!” yamot na saad ni Boyet. Nakasunod lang ang kawawang mister sa asawang talakera. “Andito ka lang pala! Bwisit ka! Ano? Tatakasan mo ang obligasyon mo sa bahay?” Hindi napaghandaan ni Kelvin ang ginawa ng tiyahin ni Aril. Sinabunutan nito ang dalaga at nakita niya kung paano tumulo ang luha nito sa sakit. Dali-daling kinuha ni Kelvin ang kamay ni Eresh sa buhok ni Aril. “Mawalang-galang na po, ako po ang dahilan bakit nagkasakit ang pamangkin ninyo. Paano naman gagaling iyan kung sasaktan ninyo?” tiim na saad ng binata. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ni Eresh at padaskol na hinawi iyon mula sa buhok ni Aril. Samantala, may nagsumbong pala sa nurse sa pagiging maingay ni Eresh kaya pinuntahan ito ng head nurse kasama ang isang security personnel. “Misis, bawal po ang ginagawa ninyo. Una, paano gagaling ang pasyente kung sasaktan ninyo. Pangalawa, nakakabulahaw na kayo dito. Ward po ito at hindi palengke!” Halata ang inis ng head nurse kay Eresh. “Guard, paki-assist itong babae na ito palabas ng hospital,” utos nito sa gwardiya. Mangalaiti man, walang nagawa si Eresh nang inalalayan siya palabas ng ward. Nagbulungan pa ang mga naroon at pinukol ng nakakaawang tingin si Aril lalo na ng head nurse. Sandali nitong sinuri ang swero ni Aril at inayos ang kanyang buhok na nagulo dahil sa pananabunot ng tiyahin. Samantala, pinigilan ni Boyet ang gwardya at yumuko rito, siya na mismo ang gumiya sa asawa palabas. Magsasalita pa sana si Eresh pero nang diinan ng asawa ang hawak sa braso ang nito, napa higit na lang ng hininga ito. Matalim na tingin ang iniwan ni Eresh sa pamangkin na napayuko na lang dahil sa kahihiyan. ******** Parang hinaplos ng malamig na kamay ang puso ni Kelvin para sa dalaga. Over fatigued at malnourished ang dalaga, ibig sabihin lang ay kumakayod ito ng husto at ang tiyahin ang nakikinabang sa kita nito. Napatiim ang bagang ng binata sa klase ng kamag-anak mayroon ang dalaga. Halatang inaabuso si Aril ng tiyahin at ang tiyuhin nito ay hindi masawata ang asawa sa pagmamaltrato na ginagawa ng asawa. Napabuntong-hininga siya at hinayaan na muna ang dalaga na magpahinga. Bakas ang pagod sa mukha ng dalaga at inaantok na ulit ito. Ilang sandali pa, muling nakatulog si Aril at iyon ang sinamantala ni Kelvin para muling lumabas sa ward. May kakausapin lang siyang tao para naman ay makabawi sa dalaga. ****** Samantala sa bahay nila Eresh, natatalo ang mag-asawa. “Kahit kailan talaga Eresh, hindi ka na naawa sa pamangkin mo!Ganyan ka na ba ka walang puso? Maysakit na at lahat iyong bata tatalakan at sasaktan mo pa talaga?!” Napasabunot si Boyet sa buhok at halos magsalpukan ang kilay. Pabagsak na umupo siya sa kawayan na sofa na nasa sala. “Eh, sino ngayon ang gagawa dito sa bahay? Ako? Aba sinuswerte naman yata ang bwisit na iyon!” Namumula si Eresh na iniisip na tinakasan ng pamangkin ang responsibilidad nito sa gawaing bahay. Nagpupuyos sa galit si Boyet at tumayo. “Eh, ‘di ikaw muna ang gumawa ng mga trabaho sa bahay! Hindi ka naman lumpo o imbalido. Ang lintik na pagsusugal lang naman ang inaasikaso mo, kaya nagkandaletse-letse itong buhay natin!” Sumigaw na rin si Boyet at hinarap ang asawa na halos magkulay kamatis. “Huwag mong isusumbat sa akin ang pagsusugal ko! Iyan lang ang kaligayahan ko sa letseng buhay na ito! Kung hinayaan mo sana na dinala na lang sa ampunan ang letseng Aril na ‘yan, hindi tayo magkakaganito!” “Ang kapal mo naman para sabihin ‘yan. Ang bwisit na sinasabi mo ay siyang palaging tumutubos sa iyo sa kulungan kapag nahuhuli kayo sa pasugalan.” May sasabihin pa sana si Boyet nang nakarinig sila ng yabag mula sa taas ng bahay. “Ano ba? Ang aga-aga nagsisigawan kayo! Nakakabulahaw kayo sa natutulog! Bwisit! Kapag ako bumagsak sa midterm kasalanan n’yo talaga!” Padabog na bumalik sa taas si Iris. Doon lang lumambot ang ekspresyon ni Eresh nang masilayan ang anak. Prinsesa kung ituring nito ang kaisa-isahang anak. Inismiran ni Eresh ang asawa at umakyat na rin. Iniwanan niya si Boyet sa kanilang sala na namumula pa rin sa sobrang emosyon. ******** “Ah, excuse me po Ma”am, pwede na po ako ma-discharge?” tanong ni Aril sa nurse. Nang magising siya ay wala si Kelvin sa kanyang tabi at nang namataan ang nurse ay minabuti ng tanungin ito tungkol sa kanyang kalagayan. “May lagnat pa po kayo at kailangan po muna ninyo magpahinga hanggang gumaling kayo. Kung ang inaalala n’yo po ay ang babayaran, nag-down na po si Mr, Trinidad,” sabi ng nurse. Dumating si Kelvin na may bitbit pa na supot ng pagkain at isang paper cup na amoy kape. “Gising ka na pala, bumili lang ako ng makakain mo. Mukhang kailangan mo pa manatili sa hospital hanggang mamayang gabi at may lagnat ka pa.” Pinatong ni Kelvin sa lamesang nasa gilid ang kanyang dalang pagkain at naupo sa silya na laan sa mga watcher. “Pero, paano po ang kariton ko. At wala akong pambayad sa hospital. Pwede naman na sa bahay na lang ako magpagaling,” saad ng dalaga. Napayuko siya nang maalala ang pananabunot ng tiyahin kaninang madaling araw. “Ibinilin ko na sa botika at pasasabihan ko na lang ang Tito mo na siya na muna ang kumuha doon. huwag mo na muna iyong alalahanin. Dapat magpagaling ka muna. Paano ka naman makakapaghanap-buhay kong ganyan ka. Malnourished na nga over fatigued pa,” ani Kelvin. Napaawang ang mga labi ni Aril sa narinig. Hindi niya akalain na maniningil na ang kanyang katawan sa kapabayaan niya sa sarili. Masyado siyang nagtitipid para makaipon sa susunod n pasukan at hindi na niya naiisip na kumain ng sapat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD