“Kaya malakas ang loob ng babaeng yan dahil nakakita na pala ng masasandalan. Ano? Masarap ba ang pamangkin ko?” patuyang asik ni Eresh kay Kelvin.
“Ang bastos po ng bibig ninyo! Hindi po kaladkaring babae ang pamangkin ninyo. At hindi rin po ako mapagsamantalang tao. Pero, ito lang ang sigurado ako, walang pwedeng manakit kay Aril habang kasama niya ako,” ani Kelvin. Alam naman niyang masama ang bastusin ang nakakatanda pero hindi niya matiis na hindi sagutin ang mga paratang ng tiyahin ni Aril.
Mas lumakas ang bulungan ng mga tao na nag-umpukan na sa komosyon na ginawa ni Eresh. Ang mga naroon tiningnan ng masama si Eresh lalo na matapos nagbitiw ng salita si Kelvin.
Hindi na niya hinintay ng binata na makasagot si Eresh at mahigpit na niyang hinawakan ang braso ni Aril para ilayo doon ang dalaga. Hindi pa man sila nakakalayo ay muling sumigaw si Eresh.
“Ano, hindi ka uuwi, Aril? Baka gusto mong ireklamo ko sa DSWD ang lalaking kasama mo?” panghahamon ni Eresh sa dalawa.
Hindi na nakapagtimpi si Kelvin at nilingon si Eresh. “Sige po, gawin ninyo at haharapin ko ang reklamo ninyo. Tingnan ko lang kung hindi kayo ang makulong imbes na ako,” ani Kelvin. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Aril palayo sa lugar na iyon.
Nang makalayo na sila roon, naalala ni ARil ang mga pinamili niya na naiwan sa tindahan kaya binalikan niya iyon bago sila umuwi ni Kelvin. Habang nasa sasakyan, walang imik si Aril sa binata lalo at muli siyang pinahiya ng kanyang tiyahin sa harap ng maraming tao. Minsan naisip na lang niya kung ano ba ang nagawa niyang mali sa kayang tiyahin para pagmalupitan siya ng ganoon. Hindi niya maiwasan na tubuan ng inggit sa katawan, lalo na sa mga kakilala niyang bagaman mahirap ay mahal ng mga kamag-anak.
“Huwag mo ng isipin ang tiyahin mo. Kapag nagreklamo siya ay si Mang Emong na ang bahala sa kanya. Kaya, alisin mo na ang takot sa iyong isipan,” seryosong saas ng binata.
“Hindi mo naman kasi ako obligasyon, Kelvin. Tama naman si Tiya Eresh na baka ireklamo ka niya--”
“Kailan ka pa magigising sa katotohanan na hindi ka mahal ng Tiya Eresh mo at wala siyang malasakit sa iyo?” asik ni Kelvin.
Sa narinig, itinabi ni Kelvin ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Gusto niyang magalit sa dalaga at kung hindi niya napigilan ang sarili ay baka nabulyawan na niya ito. Pero, iniintindi niyang mabait si Aril at iyon ang dahilan kung bakit kahit inaabuso na ito ng kamag-anak ay hindi pa rin nito magawang tuluyang putulin ang ugnayan nito sa mga ito.
“Makinig ka Aril. I am trying to help you as much as I can kasi alam ko malaki ang kasalanan ko kung bakit ka napalayas sa bahay ng tiyahin mo. But, please help yourself! Kailan mo ba ma-re-realize na ginagamit ka lang ng sarili mong tiyahin sa pansarili niyang interes!” nangigigil na saad ni Kelvin. Sa inis niya nahampas niya ang manibela na siyang dahilan para mapaigtad si Aril. Nang tingnan ni Kelvin ang dalaga may luha ng umalpas sa mga mata nitong kay lungkot. “I’m sorry for my outburst,” ani Kelvin. Hahawakan niya sana si Aril ngunit umiwas ang dalaga sa kanya.
“Pasensya ka na kung mukha akong tanga na umaasa na isang araw na matutunan akong mahalin at tanggapin ng Tiya Eresh. Kaya ko naman magtrabaho para sa sarili ko at hindi naman masama ang loob ko na tumutulong ako sa gastusin sa bahay. Pagtanggap lang naman ang gusto ko,” saad ni Aril. Ang kanyang luha ay parang ilog na umagos sa kanyang pisngi. Kahit anong pahid niya sa mga pumapatak luha ay hindi iyon maampat.
Hinayaan ni Kelvin si Aril na umiyak at ginalang niya ang kagustuhan nitong ilabas ang saloobin nito. Halos sampung minuto rin na humihikbi si Aril at nang tuluyan na siyang tumahan ay doon na rin na rin umaandar ang sasakyan ni Kelvin. At dahil emosyonal na nga si Aril, nagpasya si Kelvin na sa isang restaurant na sila kakain ng dalaga.
Nagtataka ito nang hindi ang daan pauwi ang kanilang binaybay. Nagtataka si Aril at napatingin kay Kelvin.
“Sa restaurant na tayo kakain. Mukhang napagod ka yata sa pagdadrama at wala ka ng lakas para ipagluto ako,” ani Kelvin. Hinugot na niya ang susi ng kanyang sasakyan matapos pinarada iyon sa parking lot. “Fix yourself, Aril. Mamaya mapagkamalan pa tayong magnobyo na galing sa away.”
Nauna ng bumaba si Kelvin at hinayaan na muna si Aril na ayusin ang sarili. Sinalubong kaagad siya ng isang waiter at giniya papasok sa ikalawang palapag. Sa isang Italian restaurant nagpasyang kumain ni Kelvin. Kaagad siyang sinamahan ng waiter papunta sa table. Pinili ni Kelvin ang bandang dulo kung saan tanaw ang ciudad. Binilinan na rin niya ang waiter na kapag nakita si Aril ay samahan ito paakyat. Namimili siya sa menu nang natanaw ang paparating na si Aril.
“Nandito na pala ang kasama ko,” pagbibigay alam niya sa waiter.
Binigyan ng waiter si Aril ng menu book pero hinayaan na niya si Kelvin na magpasya sa mga order.
“At least, you should choose your own drinks,” saad ni Kelvin. Kaya, umorder na ng lemonade si Aril. Pepperoni pizza, carbonara, at fried chicken ang inorder ni Kelvin. Halos bente minutos rin ang pinaghintay nilang dalawa bagi nai-serve sa kanila ang mga pagkain na inorder. Mag-uumpisa na sana silang kumain nang may nagsalita.
“Kelvin, is that you?” maarteng saad ng isang babae. Nakasuot ito ng red bodycon dress at stiletto na itim. Naka-makeup din ito at tila pupunta ng club ang gayak. Ilang sandali munang pinagmasdan ni Kelvin ang babae at hinahanap sa kanyang isipan kung saan nga ba niya nakilala ito. Tumaas ang kilay nito atsaka hinubad ang suot na sunglasses nito. Kaagad na tinitigan nito si Aril at bumalatay ang disgusto nito sa magandang mukha. “I see, you don’t remember me anymore!” maktol nito.
“Do I even know you?” sagot ni Kelvin.
“Melissa Fuentes, you dimwit!”
Napatango si Kelvin at doon lang naalala ang kaklase niya sa college sa isang minor subject ang babae at naging f**k buddy pa nga ng halos anim na buwan bago ito basta na lang naglaho na parang bula. He is bad at remembering names, much more with faces that don't hold any importance in his life.
“Oh, my bad. I forgot you,” pag-amin ng binata.
“You are so bad! And who is that thing?” Tinuro ni Melissa ang nakayukong si Aril na hindi pa nauumpisahan na kumain.
“Si Aril, kaibigan ko. And please don’t refer to her as a thing. Tao siya and should be regarded as one.” Tumikhim si Kelvin at mag-uumpisa na sanang kumain. Nginitian niya si Aril at kinuha na ang pizza slicer para ipaghiwa ang dalaga.
“Aren’t you going to invite me, at least,” nakalabing saad nito.
“No. And I think may kasama ka naman yata,” pagtataboy ni Kelvin dito. Gusto niyang kausapin ng masinsinan si ARil at ayaw niya ng istorbo. AT kung kagaspangan man ng ugali na hindi imbitahin si Melissa ay wala siyang pakialam.
Padabog na umalis si Melissa at napailing na lang si Kelvin. Gone are the days that he would openly flirt with women he had tasted from the past. Nawalan na siya ng gana para sa mga ganoong gawain sa ngayon. May goal na siya at gusto niyang mag-focus na roon.
“Let’s eat, Aril,” aniya.
Kaya tahimik silang kumain.Si Kelvin ay palaging tinitigan si Aril na kiming kumakain lang. Sa tuwing ubos na ni Aril ang pagkain, nilalagyan niya iyon ulit kahit tumanggi ang dalaga. But, hindi niya ito pinayagan na tanggihan siya. Nang sa tingin niya ay tapos na si Aril ay may pinindot siya sa lamesa. Ilang sandali pa ay may bitbit ng tiramisu ang waiter at buong giliw na inihain sa kanila.
Busog na si Aril pero nang makita niya ang dessert, hindi na siya tumanggi.Unang beses niyang kumain sa isang restaurant kaya susulitin na niya. Nang matapos na siyang lantakan iyon, ang nakangiting si Kelvin ang kanyang nahuling nakatitig sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata nang hawakan nito ang kanyang labi. Halos lumundag sa kanyang dibdib ang kanyang puso lalo na nang titigan siya ng binata. Pero nawala ang parang mahika na bumabalot sa kanila nang magsalita ito.
“Masarap ba masyado Aril at naging makalat ka na kumain?”
Gusto na lang ni Aril na bumuka ang lupa at magtago doon.