TONH9: Threat

1517 Words
Nagtataka man, ipinagpatuloy na lang ni Aril ang kanyang ginagawa. Apat na garden bed na ang kanyang naihanda. Kung totoo man na may lakad sila mamaya ni Kelvin, sasaglit siya sa isang Agrivet Supply at mamimili ng mga buto ng gulay. Sasaglit na rin siya ng palengke para mamili ng mga talbos ng kamote, alugbati, tanglad, at kangkong. Ang mga nabanggit na gulay ang palagi niyang kinakain at mga paborito niya ang mga iyon. Nais niyang mapakinabangan ng husto ang bakanteng lupa para naman makatipid siya sa pagkain. Alas onse y medya na nang nakaramdam ng gutom si Aril. Yagaktak na rin ang pawis niya bagaman katamtaman lang naman ang init ng araw. Medyo makulimlim ang kalangitan pero hindi wala namang palantandaan na uulan. Saglit niyang [pinahid ang kanyang pawis at naupo. Tumigil na siya sa pagsasaayos ng garden at naghugas ng kamay sa kalapit na gripo. Natutuwa naman siya at may nakita siyang lumang hose na nakarolyo sa bakanteng kural ng baboy. Dali-dali na siyang bumalik sa bahay at nagsaing ng kanyang kanin bago kumuha ng pwedeng iulam sa ref. May nakita siyang repolyo doon at iyon na ang kanyang kinuha. Naggayat lang siya ng bawang at sibuyas at iginisa ang isang canned tuna at hinalo ang repolyo. Kumain na kaagad siya matapos maluto ang sinaing na kanin. Nilinis niya ang buong kusina at nagsiesta na siya pagkatapos. Alas dos y medya nang magising si Aril bago pa man tumunog ang alarm ng kanyang keypad na cellphone. Naligo na siya at nagbihis na rin pagkatapos. Simple lang naman ang suot niya. Leggings na gray at itim na baby tshirt. Ang kanyang pangyapak ay ang kanyang lumang leather sandals na tatlong taon na niyang pinagtityagaan. Napabuntong hininga siya lalo at kasama pa niya si Kelvin, magmumukha lang siyang kasambahay ng binata lalo pa at sasakay sila sa magarang sasakyan nito. Kinse minutos lang, nakahanda na si Aril. Kumuha siya ng pera sa kanyang ipon para may pambili naman siya ng mga buto ng gulay na itatanim niya. Isinukbit na niya ang kanyang munting sling bag at isinilid na doon ang kanyang cell phone. Sinigurado ni Aril na naka-lock ang bahay at saka tumambay na siya sa duyan na naroon. Ilang minuto lang ang pinaghintay niya narinig na niya ang ugong ng sasakyan ni Kelvin. Hinintay niya ang binata na pumasok na muna sa bakuran bago siya tumayo mula sa duyan. Sandaling pinasadahan ni Kelvin ang suot ni Aril. Simple lang naman ang gayak ng dalaga at halatang luma na ang mga suot nito. Bihira makakita si Kelvin ng mga teenager na hindi maarte sa mga damit. Kahit pa nga ang mga anak pawis ay postura naman kung may lakad. Kaya naninibago siya sa kanyang nakikita kay Aril. Kahit papaano hindi lahat ng mga kabataan sa ngayon ay puro arte lang ang alam. “Halika na Aril at may pupuntahan pa tayo,” yakag ni Kelvin sa dalaga. Siya na rin ang nagbukas ng gate at hinintay na makalabas si Aril bago muling sinara iyon. Binuksan ni Kelvin ang pinto ng kanyang sasakyan at naiilang na sumakay si Aril sa front seat. “Pwede naman na sa likod na ako maupo,” napayukong saad ni Aril. No. Gusto mo ba akong magmukhang personal driver. Ang gwapo ko naman para maging driver mo lang,” biro ni Kelvin. Kaya, hindi na nagreklamo si Aril at sumakay na sa front seat. Inayos niya kaagad ang seatbelt lalo at sanay naman na gawin iyon. Nahihiya kay Kelvin pero hindi niya ito matanggihan. Napangiti naman si Kelvin nang makita na kinakabahan siAril sa kanyang presensya. Halos hindi na nga makatingin ng diretso sa kanya ang dalaga. Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan at lumarga na sila. Nakatingin lang si Aril sa labas. Medyo nilalamig siya sa lakas ng buga ng aircon ng sasakyan. Napayakap siya kanyang sarili habang napapikit siya nang nanuot sa kanyang pang amoy ang mabangong perfume ni Kelvin. Halatang mamahalin iyon lalo pa at bagaman mabango iyon ay banayad ang dating nito sa kanyang pang-amoy. Napalingon siya nang maramdaman ang kung anong isinabit sa kanyang balikat. “Isuot mo muna ang jacket ko, Aril at mukhang nilalamig ka yata,” ani Kelvin. Ang kanyang tingin ay naka-focus pa rin sa daan habang nagsasalita. May kalayuan ang pupuntahan nilang pwesto ng mga nagtitinda ng mga ref at freezer. Si Aril na ang papipiliin niya ng modelo para swak sa panlasa nito. Buti na lang at nahiram niya ang pick up ng kanyang papa at sakto sa bibilhin niyang ref para sa dalaga. Ilang saglit pa narating na nila ang pakay nila. Sa isang warehouse na pawang mga appliances ang ibebenta dinala ni Kelvin si Aril. Bumaba na si Kelvin pagkatapos niyang hugutin ang susi ng sasakyan. Lumigid siya sa harapan at pinagbukas pa ng pinto si Aril. “Halika na Aril. Tulungan mo akong maghanap ng ref,” anyaya ni Kelvin sa dalaga. Sumunod na rin si Aril kay Kelvin. Binati sila ng mga empleyado nang pumasok na sila sa warehouse. May umalalay sa kanilang isang tindera at sinundan nila ito nang sinabi ni Kelvin na kailangan niya ng isang magandang brand ng ref. Buong giliw na inalalayan sila ng tindera hanggang sa nakapili na si Kelvin. Halos kalahating oras din ang ginugol nila bago napili ang isang unit ng double door na ref. Bumili na rin si Kelvin ng isang tower fan na ayon sa tindera ay parang aircon din ang function. Buong tiyaga na sinasagot naman ni Aril sa tuwing hinihinggan siya ng opinyon ni Kelvin. Hindi niya alam kung bakit pa siya sinama ni Kelvin sa pagbili ng refrigerator at tower fan. Matapos bayaran ang mga pinamili, ang mga tauhan na ang maayos na nag-arrange ng nabiling ref at tower fan sa likuran ng pick up. Natuwa pa ang mga ito nang abutan ng tip ni Kelvin ang dalawa. “Aril, may sasadyain ka ba sa grocery o hindi kaya sa palengke o hindi kaya ay sa botika?” tanong ng binata. “Sa palengke sana kung pwede, Kelvin. Bibili ako ng mga buto ng gulay at magtatanim ako ng mga gulay. Sayang naman at malaki naman ang espasyo doon at mataba ang lupa, sakto para tamnan ng gulay.” “Ang galing naman!” Hindi napigilan ni Kelvin ang sarili at ginagap ang kamay ni Aril. Magaspang ang mga kamay ng dalaga bagaman malinis naman ang mga kuko nito sa daliri. Marahan niyang pinisil ang mga kamay ng dalaga at nginitian ito ng ubod ng tamis. Dagli naman na napawi ang ngiting iyon nang yumuko ang dalaga. Nabitawan ni Kelvin ang kamay ni Aril. Nabigla siya sa naging outburst niya. “Pasensya ka na, natuwa lang ako sa mga plano mo.” Hindi umimik si Aril at naramdaman na lang ang pag-andar ng sasakyan. Tahimik lang sila sa kabuuan ng biyahe. Si aril ay nakatanaw lang sa labas ng sasakyan at namalayan na lang na huminto na ang sasakyan. “Andito na tayo sa palengke, Aril. Bilhin mo na ang mga kailangan mo.” Pareho na silang bumaba ng sasakyan. Si Aril, hinanap na kaagad ang agrivet supply. Nang mahanap ang isang tindahan, namili na siya ng mga butong gulay: okra, talong, sitaw, pipino, labanos, kalabasa, at bell pepper. May nakita siyang tindang marcot ng kalamansi sa tindahan kaya bumili na rin siya ng dalawa. Saglit niyang iniwan ang mga iyon sa pwesto at nagpaalam na babalikan na lang mamaya. Binagtas niya ang palengke at pumunta siya sa pwesto ng mga tindahan ng gulay. Naghanap siya ng talbos ng kangkong, kamote, tanglad, at dahon ng sibuyas. Katulad ng nakasanayan niya noon sa bahay ng kanyang tiyahin, bumili na rin siya ng luya at bawang at itatanim niya ang mga iyon. Pumunta na rin siya sa pwesto ng mga tindahan ng tuyo at namili ng dilis at goodbye head na tuyo. Kailangan niyang magtipid para sumakto ang kanyang pera hanggang makaisip ulit siya ng pwedeng ibenta. Patapos na ang bakasyon at wala na masyadong liga sa mga barangay. Gusto na rin niyang sa umaga na maghanap buhay lalo at bago pa lang siya sa nilipatan. Kailangan niyang may pagkakakitaan lalo at mag-isa na niyang itataguyod ang sarili. Isinilid na ni ARil ang mga pinamili nang may humila sa kanyang buhok. “Dito lang pala kita makikita!” Isang sampal kaagad ang dumapo sa mukha ni Aril nang mapagsino ang naroon. Ang kanyang Tiyang Eresh pala iyon na may hawak pa na basket sa kliwang kamay nito. “Saan ka naman nagsusuot hayop ka?” Muling tumaas ang kamay ni Eresh pero ang inaasahang sampal ay hindi na muling dumapo pa sa pisngi ni Aril. Nang nagmulat ang kanyang mata, naroon si Kelvin sa kanyang tabi at hinarang nito ang katawan sa kanya kaya imbes siya ang tamaan ng kamay ng tiyahin, ang binata ang sumalo niyon. “Pabayaan na ninyo si Aril. Kapag sinaktan ninyo si Aril, ipapadampot ko kayo sa mga pulis,” banta ni Kelvin. Nag-umpisa nang mag-umpukan ang mga usisera at usiserong naroon. May mga bumubulong pa na mga miron at tinuturo si Eresh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD