Kabanata 32

1816 Words

Naglakad kaming magkahawak kamay ni Pat papunta sa backstage upang maayusan na ako. Napansin namin na matatapos na pala tumugtog ang banda nila Von kaya naman dinalian na namin. Hinanapan ko muna ng mauupuan si Patricia bago ako pumunta sa backstage. Laking salamat ko dahil may nakita kaming mga kaklase ko na nasa bandang harapan. Agad ako nitong tinawag. "Mark, saan kayo pupunta?" Tanong ni Jomari na beki naming kaklase. "Oy, Kuya Jhoms! And'yan pala kayo. Hinahanapan ko kasi ng upuan si Pat, wala na kaming makitang bakante dito sa unahan," paliwanag ko. "Ay, sakto. Dito mo nalang siya paupuin, katabi namin," tugon naman nito na sinang-ayunan ng iba pa naming mga kaklase. "Kaya nga, Dos. Hindi siya maa-out of place sa amin, pramis," dagdag pa ni Eca. "Baka naman may nakaupo d'yan,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD