Nagmadali akong pumunta sa cafeteria dahil limang minuto nalang ang natitira ay mag-uumpisa nang tumugtog ang banda nila Von. Tumakbo na ako upang mabilis ako makapunta sa cafeteria. Nang nakarating na ako ay pansin na kaunti lang tao dito at karamihan ay nasa field na, nag-aabang ng tugtugan. Agad akong bumili nang kakainin namin ni Patricia. Nang biglang may tumawag sa akin, galing ang boses sa aking likuran. "Dos, anong ginagawa mo dito?" Dahan-dahan kong lingon kung saan nagmula ang tinig- sa likuran ko. Si Elena. Wala itong kasama dito sa cafeteria. Kaya naman nagulat ako, usually kasi marami siyang kasama kapag naglalakad-lakad. Ngayon, himalang wala ang mga alalay niyang student council din. Pagkakita ko kay Elena ay biglang nagflashback ang utak ko, naalala ko na naman na nin

