Agad akong naupo sa tabi ni Patricia sa unahan ng kaniyang sasakyan. Nagtataka kung saan kami pupunta at kung bakit biglaan ang naging pag-alis namin. Walang anumang pasabi si Pat, sinabi niya lang na may pupuntahan kami. Sinabi niya sa akin iyon nang hapong iyon, kaya naman dali-dali akong nag-asikaso at ito nga, paalis na kami. "Basta, maupo kana lang d'yan," agad na tugon sa akin ni Pat. Sumang-ayon na lang ako at naupo nang tahimik sa tabi niya. Pinagmamasdan ang mga makukulay na parol at christmas lights na kumukutitap na aming nadadaanan. Pansin na pansin ang mga taong nasa labas na namimili na para sa darating na pasko. Kaya naman maraming mga sasakyan ang nasa daan na nagdudulot ng traffic. Curious na curious talaga ako kung saan ako dadalahin ni Patricia. Hindi ako mapakali

