Agad kong nakita si Shyr sa pasukan ng nasabing lugar. Litaw na litaw kasi ang maputi niyang kutis sa suot nitong black dress at high heels. Ang simple lang ng suot niya pero ang ganda niya sobra. Tumayo ako sa kinauupuan namin nina Aldrin at Von para makita ako ni Shyr. "Dito, Shyr!" Senyas ko upang maupo siya sa aming table. Sa likod ito dumaan para hindi maging agaw atensyon ang pagiging late niya. Nag-uumpisa na kasi ang reunion namin at nagsasalita na ang host. Pumunta agad ito sa table namin nina Aldrin at Von para doon pumwesto. Hindi kasi makakapunta ang mga kaibigan niya na sina Amanda, Stacey at Cassandra. Busy kasi raw ang mga ito at nasa states lahat nakatira. "Dito kana maupo sa tabi ko," offer ko ng upuan kay Shyr na agad naman niyang tinaggap. "Hala buti nalang at may

