Hindi ko inaasahang magkikita kami ni Shyr that time. Wala na rin kasi akong balita sa kaniya. Ang tanging connection na lang namin ay i********: pero hindi ako active dito. Hindi kasi ako mahilig kumuha ng litrato, kumbaga once in a blue moon lang magtake ng picture. Ang nabalita lang sa akin ni Aldrin ay nasa ibang bansa na nga raw nakatira si Shyr at doon kasama niyang nagtatrabaho ang kaniyang pamilya. Nang matapos ang pagkikita naming 'yon ay agad akong in-add friend nito sa f*******:. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at in-accept ko na agad ang friend request ni Shyr. Matapos ko siyang ma-accept ay agad kong ini-stalk ang kaniyang f*******:. Andami nitong followers at reactors sa kaniyang mga picture. Habang ini-stalk ko pa ang iba niyang social media account ay biglang tumunog

