Hindi ko hinalikan si Pat sa labi dahil alam kong hindi pa niya ako sinasagot. Ang pangit naman siguro isipin na naghalikan na kami ngunit hindi pa kami.
Nang nakapasok na si Pat sa kanilang gate ay hatid-tingin ko siyang hinantay makapasok sa pintuan ng kanilang bahay. Kumakaway pa si Pat nang papasok na siya sa pinto at paalam pa uli nito.
"Bye, Dos!" Sigaw ni Pat habang kumakaway.
Hindi na ako nakapagpaalam muli dahil agad itong pumasok sa kanilang bahay.
Alas otso y media nang makauwi ako sa bahay. Agad naman akong binati ni Mama at inaya nang kumain.
"Nak, upo na dito," aya sa akin ni Mama.
"Papalit lang po ako," at nagmamadaling umakyat sa kwarto.
Hindi na ako nagpalit ng pants at naghubad ng sapatos dahil aalis din naman ako uli.
"Ma, anong ulam?" Tanong ko nang makababa ako sa sala.
"May adobo d'yan sa lamesa," turo nito sa kaldero.
Nauna nang kumain sina Mama dahil nagsabi na ako sa kanila na mali-late ako nang uwi at baka kumain na rin ako sa labas.
"Sarap nito ah," amoy ko sa adobo.
"Ako pa ba nak?" Sabay tawa kami ni Mama.
"Ma, nga pala magpapaalam ako kasi magkakaroon ng maliit na pagsasalo 'yung mga performer kanina, sasama kami nina Von at Aldrin. Pwede ba?" Paalam ko.
"Oras ka uuwi?" Tanong nito.
"Baka bukas na ako makauwi ma. Dadalhin ko nalang 'yung motor," tugon ko.
"Osige. Kumain ka muna bago ka umalis," pagpayag nito.
Mabilis lang ako payagan ng mga magulang ko kung aalis ako basta ba't magpapaalam ako sa kanila kung kailan uuwi at dapat makauwi nang ligtas.
Sinimulan ko nang magsandok ng kanin at ulam upang kumain. Ilang saglit pa ay nagchat na sa gc ang mga student council at nagtatanong kung nasaan na raw kami.
Hinahanap na rin kami ni Von at tumawag na sa akin dahil siya pa lang sa aming tatlo ni Aldrin ang nandoon kasama sina Pres. Elena at mga student council.
Ringing...
Von: Saan na kana?
Dos: Dito pa sa bahay, nakain pa.
Von: Si Aldrin pre nasaan?
Dos: Ewan ko pa e.
Aldrin joined the call.
Dos: Speaking of the devil HAHAHA.
Aldrin: Saan na kayo? Malapit na ako sa dorm ni Pres.
Von: Dito na ako pre. Salubungin kita sa baba nahihiya na ako dito e.
Aldrin: Osige. Saan kana Dos?
Dos: Pinapakain pa ako ni Mama before umalis. Mabilis lang ako makakapunta d'yan dadalhin ko 'yung motor ko.
Aldrin: Sige, ingat ka dalian mo na.
Von: Kita na kita Drin, wait mo ko d'yan.
Dos: Sige na, dadalian ko na kumain para makaalis na ako.
Aldrin: Gg.
Von: Sige par.
Call Ended...
Dinalian ko na kumain dahil mukhang marami na sila doon. Nang matapos ako kumain ay dali-dali kong kinuha ang susi ng motor at helmet.
"Ma, dito na ako," sabay beso sa pisngi nito.
"Osige, mag-ingat ka anak," tugon ni Mama.
Ini-start ko ang motor at pinainit na ang makina. Ilang sandali pa ay aalis na ako nang tawagin ako ni Mama Gina.
"Dos! Hoodie mo maiiwan mo pa!" Agad na abot nito sa akin.
"Salamat, Ma!" At suot ng hoodie ko.
Bumyahe na ako dahil anong oras na rin. Ang ganda talaga ng buwan noong gabing iyon, ang liwanag at samahan pa ng mga bituin na kumikinang.
Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa parking lot ng dorm ni Pres. Elena. Totoo nga ang sinasabi niya na malaki ito at walang masyadong tao na nagdodorm.
Nagchat ako kay Aldrin upang sunduin nila ako ni Von sa baba.
Dos: Pare otids ako sa parking lot, sunduin niyo ako.
Mukhang nagkakasiyahan na sila doon kasi ilang minuto rin bago magreply ang mga ungas sa akin.
Aldrin: Sige pre, bababain ka namin ni Von. Wait ka lang d'yan.
Nasa fifth floor kasi ang dorm ni Pres. Elena kaya naman nakakapagod mag-akyat-baba dito.
Ilang sandali pa ay nakita ko na sila Aldrin at Von na pababa na.
"Pre! Kumusta sa taas? Maraming tao?" Tanong ko kila Aldrin.
"Sakto lang naman. Hindi na bumalik yung iba, napagod na ata," tugon ni Aldrin.
"Ay gano'n? Tara na!" Aya ko kina Von at Aldrin.
Kinuha ko ang helmet ko at umakyat na kami sa fifth floor papunta sa dorm ni Pres. Elena.
Paakyat pa lang kami ay rinig na namin ang malakas na music na nanggagaling sa dulong kwarto. Mukhang hindi movie marathon ang mangyayari.
Pagkapasok namin ay bumungad agad sa amin ang mga nagsasayawang student council at puro alak.
"Hi, Dos! Antagal mo dumating," agad na bati sa akin ni Pres. Elena at bumeso pa ito sa aking pisngi.
"H-hello pres!" Bati ko na naiilang pa.
"Ely na lang! Masyado kang pormal," sambit pa nito habang may hawak na beer.
"Ay sorry," kamot ulo kong tugon.
"Wala 'yon! Kumain kana ba?" Tanong ni Ely sa akin.
"Katatapos lang sa bahay," sagot ko naman.
Nagulat ako nang andoon na nakikipagsayaw ang dalawa kong kaibigan sa iba pang student council. Sa isip-isip ko ay buti nalang hindi kasama ang mga jowa nila dahil hindi lang batok matitikman ng mga kumag na 'to.
Naiwan ako kay Ely na mag-isa. Inaya niya ako na pumunta sa kwarto niya dahil maingay raw ang music sa sala.
"Dos, tara sa kwarto ko hindi tayo magkarinigan dito sa sala, ang ingay ng music!" Sigaw nito upang marinig ko.
Agad hinila ni Ely ang kamay ko kahit hindi pa ako umo-oo sa kaniya. Nilock niya ang pinto ng kwarto kaya nagtaka na ako.
"Bakit mo nilock?" Tanong ko dito na papalapit sa pinto.
Agad itong humarang at tinulak ako sa kama. Kaya naman bumalikwas agad ako nang hahalikan niya na ako.
"Mali 'to Ely!" Pigil ko sa kaniya.
"Paanong mali, Dos? Wala ka namang girlfriend at ako naman walang boyfriend," ani ni Ely.
"Nililigawan ko si Patricia, ayos ka lang ba?" Sigaw kong tugon sa kaniya.
"Per-,"
Hindi niya pa natatapos ang sasabihin niya ay binuksan ko na ang pinto upang lumabas. Kumuha ako ng beer at lumabas ako sa balcony para magpahangin. Hindi ko inaasahan susundan ako doon ni Ely.
"D-dos, I-im s-sorry," naluluha nitong sambit. "Lasing lang siguro ako kanina pero sa nangyari ay natauhan na ako," dagdag pa ni Ely.
Si Elena "Ely" Gomez ay isang babaeng mahinhin kaya naman sobrang nagulat ako sa nangyari kanina.
"H'wag mo na isipin 'yon. I-enjoy nalang natin yung pa-party mo," tugon ko sa kaniya.
Agad itong yumakap sa akin at umiyak, humihingi ng tawad. Hindi ko rin alam ang gagawin kaya hinimas ko nalang ang likod nito upang gumaan ang pakiramdam.
Pinapasok ko na si Ely upang magsaya dahil sa succesful ang pag-execute niya ng mga plano for valentine's day. Ang pangit naman siguro kung iiyak lang siya buong gabi at kami ay magsasaya.
Nanatili ako sa balcony hawak-hawak ang isang boteng beer upang magmuni-muni at mag-isip-isip na rin.
Dahil nga na sa balcony ako ay kita ko lahat ng taong paakyat sa building nila Ely. Nakita ko si Shyr na nasa baba at palakad paputang hagdanan. Naalala ko na kasama pala siya sa mga performer kaya invited siya.
Naisip ko na salubungin si Shyr upang kausapin at humingin ng tawad sa nangyari sa Prison booth kanina. Binaba ko ang iniinom kong beer at dali-daling pumunta sa corridor.
"Shyr!" Tawag ko dito pero nilagpasan lang at hindi ako pinansin nito.
Parang walang narinig at nakita si Shyr. Dedma siya na pumasok sa dorm ni Ely at nakipagkwentuhan sa iba pa.
Pinuntahan ko 'to sa kinauupuan niya at hinila 'to.
"Tara nga, Shyr!" Hila ko sa kaniya papuntang balcony.
"A-aray! Dos, nasasaktan ako!" Pagpupumiglas nito sa pagkakahawak ko sa kamay niya.
Sa pagpupumiglas niya ay natabig ang kanina ko pang iniinom na beer at nahulog ito mula sa fifth floor.
"Ano bang problema mo ha?" Tanong ko kay Shyr.
"Ikaw, anong problema mo? Hindi mo nga ako gusto diba, ba't mo pa ako kinakausap?" Balik nitong tanong sa akin.
"Alam mo ang immature mo! Gano'n ba 'yon, 'pag hindi gusto hindi na pwedeng kausapin ha?!" Galit kong tugon sa kaniya.
Umiiyak nalang 'to sa gilid at hindi na umiimik. Naawa na rin ako sa kaniya kasi alam ko 'yung pakiramdam na kahit ano pang gawin mo ay hindi ka gusto ng taong gusto mo.
"S-sorry, Shyr," hingi ko ng tawad dito at abot ng isang basong tubig. "Marami namang lalaki na nagkakagusto sayo d'yan, mayayaman pa," dagdag ko pa.
"Sa tingin mo ba Dos gano'n ang hanap ko sa lalaki- mayaman?" Lumuluhang sambit nito. "Ang babaw naman ng pagtingin mo sa akin Dos!" Sambit pa nito.
"H-hindi gano'n ang nais ko sabihin, Shyr. Ang gusto ko lang sabihin na mas mabibigyan ka nila ng magandang hinaharap kaysa sa akin," paliwanag ko dito.
"Ikaw ang gusto ko Dos, Ikaw! Hindi sila. Wala akong pakialam sa kayamanan nila, mayaman naman ang pamilya ko," tugon ni Shyr.
"Pero iba ang gusto ko, sorry," hingi ko ng tawad uli dito. "Marami pang iba d'yan, Shyr. Malilimutan mo rin ako kinalaunan. Maganda ka at matalino pa, malabong walang magkakagusto sayo," paliwanag ko pa.
Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Kaya naman binigyan ko 'to ng panyo upang punasan ang mga luha niya.
"Panyo?" Alok ko kay Shyr ng panyo ko galing sa hoodie. "Kuhain mo na pumapangit kana oh, sige ka mahipan ka ng masamang hangin d'yan," pagbibiro ko upang tumigil na 'to sa kakaiyak.
Kinuha ito ni Shyr at pinunas sa kaniyang mukha at luha. Sa tagal nang pag-iyak niya ay buti nalang tumigil na ito at ngumingiti na sa pagbibiro ko.
"Alam mo Shyr, pwede naman tayong maging magkaibigan. H'wag ka mag-alala asahan mong papansinin pa rin kita. Tahan na," at yakap ni Shyr sa akin.
"Tumahan kana," at himas sa likod nito. "Balik mo nalang sa akin yang panyo, mukhang kailangan mo pa e," dagdag ko pa.
"Nakakainis ka! Bakit ka ganiyan? Mas lalo pa akong nagkakagusto sa'yo e," tugon ni Pat.
"Ha? Baliw Hahaha," tawa ko na medyo nahihiya.
"Thank you, Dos! Balik ko nalang 'to kapag nalabhan ko na," ani nito habang nagpupunas ng natirang luha sa mukha niya.
"Osige lang, makisaya kana doon. Tama na drama Hahaha," sambit ko kay Shyr.
"Mamaya nalang, Dos!" Paalam nito sa akin.
"Sige lang!" Tugon ko habang kumakaway pa.
Pagkabukas ng sliding door ni Shyr ay nasipat ko na lasing na ang karamihan sa dumalo. Hininaan na rin ang tugtog. Nakita ko si Aldrin at Von na lasing na rin kasama nila Mike.
Ilang sandali pa ay pumunta ako ng kusina upang kumuha ng beer dahil nabasag ang beer na iniinom ko kanina. Kita ko na nakahalundusay na ang iba at ang iba naman ay makukulit na. Maga-alas dos y media na rin kasi ng umaga kaya siguro knockout na.
Inubos ko lang ang isang bote ng beer na kinuha ko at tumabi na ako kila Von at Aldrin upang matulog.
Itutuloy...