Umalis si Shyr sa kinalalagyan naming selda. Hahabulin ko sana siya pero hindi ko na tinuloy dahil hindi ko rin kasi alam ang sasabihin at ang gagawin kung makausap ko man siya.
Nagtaka ang ibang student council bakit agad lumabas si Shyr. Hindi pa kasi oras ng laya namin.
"Shyr! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Mike.
Hinabol ito ni Cassandra na bestfriend ni Shyr at kaklase rin namin.
Si Cassandra pala ang may pakana ng lahat. Kung bakit kami nagkasama sa selda ni Shyr. Alam pala niya na may gusto sa akin ang bestfriend niya kaya inilista niya kami sa prison booth.
Naguluhan din sina Mike at iba pang student council sa nangyari kaya nilapitan ako nito at kinausap.
"Dos, anong nangyari doon?" Agad na tanong ni Mike. "Hindi ba mutual ang feelings?" Dagdag pa nito.
"H-hindi e. Nakita mo naman kanina sa stage na gusto ko si Patricia at nililigawan ko na 'to," tugon ko.
"Hindi mo naman pinaasa?" Tanong pa nito.
"Hindi ah. Wala akong ginagawa sa kaniya, minsan ko nga lang 'yon makausap," paliwanag ko.
Agad akong pinalabas ni Mike sa selda dahil sa nangyari.
"Sige, kami na bahala kay Shyr. H'wag kana mag-alala," sambit pa ni Mike.
"Sige tol, paki balitaan nalang ako ha?" Sabay lakad papunta kay Pat.
Wala itong alam sa nangyari dahil nanunuod siya sa may wedding booth. Gusto ko rin sanang sabihin kaso ayoko naman masira ang gabi namin.
"Pate! Andyan ka lang pala," hinihingal ko pang sambit.
"Oum, ang cute kasi ng mga couple dito. Yung iba nagkakahiyaan pa," tugon nito.
Nanuod nalang kami ni Pat sa mga kinakasal kuno. Nagulat ako nang nakaabang na si Aldrin sa tabi ni father at hinihintay ay bride niyang si Cara.
Inggit na inggit si Pat sa napapanuod niya. Napansin ko rin na maga-alas syete na kaya naman nagpaalam ako kay Pat na may bibilhin lang.
"Pat, may bibilhin lang ako sa cafeteria. Anong gusto mo?" Tanong ko dito.
"Ikaw! Charot! Hahaha. Kung ano nalang din 'yung sa'yo," tugon nito habang natatawa sa pinaggagawa niya.
"Tse! D'yan ka lang ha," at naglakad na ako patungong cafeteria.
Medyo may kalayuan ang cafeteria dahil dadaan ka pa sa garden na puro kubo at may lantern lights lang parang intramuros. Ang aesthetic. Samahan pa ng bilog na buwan talaga namang ang sarap maglakad. Nakakainggit lang kasi puro couple ang na sa garden at naglalambingan.
Nang makabili ako ng burger at drinks ay agad na akong bumalik sa wedding booth.
"Pat, oh," sabay abot ng binili kong pagkain.
"Thank you! Magready ka pala," tugon nito habang binubutas ang zesto.
"Saan magre-ready?" Nagtataka kong tanong.
"Basta!" Matipid na sagot ni Pat sabay kagat sa burger.
Noong nakabalik ako ay tapos na sina Aldrin at Cara magpalitan ng mga vows. Kaya naman sakto lang ang dating ko para mang-asar.
Nagsasalita pa si father kuno pero nasigaw na ako kay Aldrin.
"Kiss! Isa lang!" Sabay tawa.
"Kaya nga. Kiss!" Sigaw rin ni Pat.
"You may now hug the bride," sambit ni father ngunit nagulat ako sa ginawa ni Aldrin.
Ilang iglap pa ay biglang hinalikan ni Aldrin si Cara. Gulat na gulat ang mga nakanuod at naghihiyawan pa.
Tumingin sa akin si Aldrin at sabay bulong nito ng "Panis!".
"Palakpakan naman natin si bagong kasal na si Aldrin at Cara," wika ni father.
Todo palakpak naman ako dahil sa tuwa. Hindi ko inaasahan ang mga susunod na sinabi ni father.
"Okay, next couple na tayo. Who's Mark Cruz?" Tanong nito sa mga taong nanunuod.
Nagulat ako nang tawagin ni father ang pangalan ko. Napa-isip ako na baka si Shyr na naman ang maging kapartner ko pero nagkamali ako.
"And the bride is Patricia Manalo," dagdag pa nito na laking gulat ko.
Ano kaya naisip ni Pat at nagpalista 'to. Ayos lang naman dahil makakapag-usap din kami.
Inayusan ako at pinatabi kay father upang hintayin ang bride. Beki ang may pakana ng booth na 'to at lahat ay kaibigan na ni Pat. Kaya naman hinila nila si Pat upang ayusan. First time ata nila gawin na may ayusan sa booth nila. Ang bongga.
Ilang sandali pa ay naglakad na ang mga ring bearer at flower girl na ginanapan lang din ng mga beki.
Ang lahat ay nakadaan na pero si Pat talaga ang inaabangan ko. Ilang sandali pa ay naglakad na siya. Naranasan ko 'yung sinasabi nila. Yung kapag raw nakita mo na - yung babaeng mahal mo, bigla raw titigil 'yung mundo at tila oras ay hihinto.
Bumagal ang lahat.
Sa moment na 'yon ko na pagtanto na si Patricia na ang pakakasalan ko kahit anong mangyari sa mundo.
"Maaari na kayong magpalitan ng mga vows," ani ni father. "Ikaw muna Mr. Cruz," dagdag pa nito.
"Ah okay po. H-hi Pat!" At kuha ng kapirasong papel sa akin bulsa.
"Huwag kang mag-alala.
Ikaw pa rin ang pangakong pahinga
sa tuwing pagod ay nadarama.
Walang nagbago dahil sa tuwing kausap kita
Ikaw pa rin ang itinuturing kong pag-asa,
Ikaw pa rin ang nais kong kasama.
At sa mundong puno ng problema't kapaguran,
Ikaw ang nagsisilbi kong pahinga- paraluman.
Hindi iba, hindi sila.
Ikaw lang, sapat ka na.
Pagod ka?
Halika't sabay tayong magpahinga."
Hindi naman gano'n kalakas ang pagsambit ko sa mga salita pero naghihiyawan ang mga manunuod Hahaha.
"Baka bespren ko 'yan!" Sigaw ni Aldrin na pumapalakpak pa.
"Ikaw naman, Ms. Manalo," wika ni father kuno na kinikilig pa.
"Hi, Dos! Gusto ko lang naman sabihin na thank you palagi, kasi lagi mo akong naa-appreciate. Na kahit minsan hindi na ako naniniwala sa sarili ko, you we're there to lift me up and brighten up my mood. Thank you for bearing with my grumpy attitude, kahit napipikon ka na minsan. Thank you for loving me and proving that I am worthy. Sana hindi ka magsawa. Alam kong hindi ako ganito ka-showy but, yeah always akong andito kapag kailangan mo ng kausap at napagod kana sa nakakapagal na mundo!" Sambit ni Pat na naluluha pa.
Niyakap ko nalang siya sa mga binitawan niyang mga salita. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko.
"You are husband and wife!" Wika pa ni father.
Palabas na kami nang makita ko ang mukha ni Aldrin. Tuwang-tuwa ito at proud na proud sa akin. Alam niya rin kasi ang sinapit ko sa past ko kaya happy siya na nakahanap na ako ng babaeng alam yung worth ko.
"So proud of you pare!" Sabag yakap sa akin ni Aldrin.
"Tarantado!" Sabay yakap din pabalik.
"Tama na 'yan. Panuorin na natin ang banda nila Von," aya naman ni Cara.
"Kaya nga, tara na!" Pagsang-ayon ni Pat kay Cara.
Habang naglalakad ay hindi pa rin mawala sa isipan ko kung anong nangyari kanina. Hindi ko pa kasi uli nakikita si Mike kaya wala pa akong balita kung ano nang nangyari kay Shyr. Nag-aalala pa rin ako.
Nang makarating sa field ay agad na pumwesto kami malapit sa unahan para makita kami ni Von.
Tinutugtog nila ang isa sa kanta ng December Avenue, ang 'Sa Ngalan ng Pag-ibig'.
Sa Ngalan ng Pag-ibig by December Avenue
'Hanggang kailan ako maghihintay na para bang wala nang papalit sa 'yo?'
'Nasa'n ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon, woah-oh'
Andaming nanunuod sa field, mapa-single man, couple, complicated o kaya broken.
'Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa 'yong ngiti'
'Isang umagang 'di ka nagbalik'
'Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali'
'Ng kahapong 'di magbabalik'
Nakahawak at nakasandal sa braso ko si Pat habang dinadama ang kanta na inaawit nila Von. Kahit ako ay damang-dama ko talaga lalo na no'ng pachorus na.
'Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan'
'Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman'
Iba ang hugot ng kantang 'to. Kaya naman napasabay nalang kami.
'Kahit matapos ang magpakailan pa man'
"Kahit matapos ang magpakailan pa man!" Kanta pa ng mga estudyante.
'Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig'
"Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig!" Sabay namin nina Patricia sa kanta.
'Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?'
'Nasa'n ka man, sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo, woah-oh'
Pati ang mga professor ay nakiki-senti na rin dahil ang galing nang pagkakatugtog nila Von.
'Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa 'yong ngiti'
'Isang umagang 'di ka nagbalik'
'Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong 'di magbabalik'
Lahat ng mga manunuod ay kanya-kanyang yakap sa kanilang mga boyfriend at girlfriend. Nakakainggit nga e.
'Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan'
'Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman'
Kahit gusto kong maging masaya nang lubos-lubos ay hindi ko magawa dahil sumasagi pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Shyr.
'Kahit matapos ang magpakailan pa man'
'Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig'
"Salamat po sa lahat nang nanunuod! Kita-kits uli tayo next year! Happy Valentine's day sa lahat! Peace!" Paalam ni Paul nang matapos na ang performance ng lahat.
Matapos ang performance nina Von ay nagkaroon ng kaunting salo-salo ang mga club sa kani-kanilang mga place. Pagkatapos ng salo-salo ay nagkayayaan ang mga student council at performer na magmovie marathon sa dorm ni Pres. Elena dahil mag-isa lang siya rito at malaki ang space.
Nagpaalam ako kay Pat nang mabasa ko ang chat ni Pres. Elena sa akin. Sumama ako kasi kasama rin naman sina Aldrin at Von.
"Pate, sasama ako kila Pres. Elena para magmovie marathon," paalam ko.
"Osige lang, magpaalam ka muna kay Tita Gina ha," pagpayag nito. "Before ka pumunta doon, ihatid mo muna ako sa bahay," at hila nito sa akin palabas ng school.
Naglakad kami ni Pat sa tahimik na kalsada ng Pureza. Kahit saan kami tumingin ay may nakikita kaming magjowa na may hawak pang teddy bears, flowers at chocolates.
Habang naglalakad ay amoy-amoy pa rin ni Pat ang ibinigay kong isang pula na rosas sa kaniya. Alam kong hindi niya ito makakalimutan kaya naman ang saya ko.
"Paano ba 'yan? Andito na agad tayo sa tapat ng bahay. Anong plano mo?" Tanong ni Pat.
"Ah oo nga e, ambilis lang. Baka umuwi muna ako sa bah-,"
"Hahalikan mo ba ako o hindi?" Singit sa akin ni Pat habang nagsasalita.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pero hindi ko pinalagpas ang pagkakataon na mahalikan si Patricia. Agad kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at akmang hahalikan siya sa kaniyang labi.
Pumikit si Pat nang palapit na ako sa kaniya. Ang akala niya ay hahalikan ko siya sa labi ngunit sa forehead ko si Pat hinalikan.
Itutuloy...