Natapos na ako magperform at ang iba pa. Nag-uumpisa na ang contest ng aming club na 'Spoken-Word Poetry' patungkol sa karanasan nila sa pag-ibig.
Sila Amy na ang naghost at namuno sa ginagawang contest habang kami ni Aldrin at ibang ka-grupo ay naatasang magbantay ng booth namin.
Pagkababa ko sa stage agad kong pinuntahan si Pat. Niyakap ko siyang muli, ngunit ngayon ay mahigpit na at may katagalan.
"H-hindi ako makahinga, Dos!" At tapik nito sa likod ko.
Agad ko namang pinakawalan ang kaniyang katawan sa higpit ng aking pagkakayap.
"A-ay sorry HAHAHA," kamot sa ulo ko habang tumatawa.
Inaya ko siyang doon manuod nalang sa aming booth. Maganda kasi ang pwesto nito, kitang-kita pa rin ang mga nagpeperform kahit maraming tao dahil tapat lang namin ang field at stage.
"Tara, doon tayo manuod sa booth namin," aya ko kay Patricia.
"Maganda ba pwesto doon?" Tanong naman nito.
"Oo, makakaupo ka pa doon. Hindi ka ba napapagod sa katatayo?" Pagkumbinse ko pa.
"Gano'n ba, tara na!" Hila sa aking braso ni Pat at mabilis kaming umalis.
Andoon na sila Aldrin at iba pa naming kagrupo sa booth. Sina Amy naman at Ken ay ang nag-aasikaso ng mga sasalang.
"Oy! Si Pate at Dos! Saan ba kayo galing?" Agad na bungad sa amin ni Aldrin.
"O, halina't umupo na dito nang makakain na kayo," aya sa amin ni Melissa na secretary ng aming club.
She is Melissa Magdayang an education student. Like Amy she is a caring person lalo na sa akin.
Ang feeling Hahaha.
"Thank you dito," abot sa akin ni Melissa ng pagkain.
"Thank you po," sambit naman ni Pat.
"Kumain na kayo. Andyan yung inumin sa box," sabay turo.
Kumain kami habang nanunuod ng mga nagpeperform. Andaming kinukwento ni Aldrin pero nakafocus ako sa pagkain dahil hindi pa ako kumain. Maga-alas kwatro ng hapon na rin kasi.
"Ang init doon sa pwesto natin kanina," wika ni Pat.
"Oo nga e, nangingitim na tuloy ako," tugon ko.
"We? Maitim ka naman talaga Dos," pang-aasar pa nito sa akin.
"Hoy grabe ka sa maitim, moreno lang," sabay subo ng beef steak na galing sa Mang Inasar.
"Mamaya kapag natapos 'yan, punta tayo sa may confession board," sabay turo sa stage.
"Ay oo nga pala may confession board pala doon sa may court. Sige, mamaya," pagsang-ayon ko kay Pat.
Patuloy kaming kumain hanggang ito'y maubos. Nanunuod pa rin kami nang laking gulat ko na magpeperform uli si Shyr.
"Hi! Ako uli si Shy Cruz," dinig ko sa stage.
"Ba't magpeperform uli si Shyr?" Tanong ko kay Aldrin.
"Oo, nagpasa siya ng form sa akin nung isang araw gusto niya raw sumali," tugon nito.
Sumali pala siya sa pa-contest ng aming club. Si Shyr kasi ay isa sa 'Volleyball Club' ng aming paaralan kaya laking gulat ko talaga na marunong siyang tumula.
"Ang tulang ito ay pinamagatang, 'Araw ng Pagmamahal'," at nagpalakpakan ang mga audience at may sumisipol pa.
Araw ng Pagmamahal ni Shyr Cruz
Araw nanaman ng pagmamahal
Hinintay ito nang ka'y tagal
Isang araw na siguradong nakakapagal
Palaisipan ang pagpili ng regalo para sa taong mahal,
Syempre hindi pwedeng pandesal,
Pero 'di rin naman importante kung mahal.
Gusto ko sana yung personal
Yung sa lungkot tagapagtanggal
Para sa katulad mong espesyal.
Sana sa puso't isip mo'y magtagal
Syempre hanggat maari kasing bisa ng dasal,
yung kasing saya gaya ng mga ikakasal.
Yung tipong pag-abot ko pa lang sayo, yung ngiti mo mula U.P hangang La Salle.
Hiling ko lagi ang kaligayahan mo,
nawa'y matupad ang inaasam-asam mo.
Lagi lang tandaan na andito lang ako,
handang sumakay sa mga kalokohan mo- mahal ko.
Natapos ang tula niya na manghang-mangha ako. Pumapalakpak nalang ako sa kinauupuan ko gayon din ang mga kasama ko sa club.
"Akin ka nalang, Shyr!"
"Barilin niyo nalang ako!"
"When kaya?!"
Mga sigaw ng mga estudyanteng galing na galing din kay Shyr.
Dahil sa volleyball player itong si Shyr ay maraming nagkakagusto dito. Hindi rin kataka-taka dahil ang ganda ng babaeng 'to. 5'4 ang height, straight ang buhok at mahinhin gumalaw na akala mong hindi marunong ng kahit anong sports.
Pagkatapos magperform ni Shyr ay niyaya na ako ni Pat magpunta at magtingin-tingin sa ibang booths.
"Tayo kana diyan, tingin tayo sa ibang booth atsaka tingkn tayo sa confession board," aya sa akin ni Pat.
"Pero hindi pa tapos ang contest," tugon ko.
"Mamaya na 'yan, maririning natin 'yan habang naglalakad tayo," pagpupumilit nito.
"Tara na nga," nakabusangot kong sagot.
Nag-umpisa kaming maglakad at tumingin-tingin sa ibang booth. Katulad ng dati ay nakahawak ito sa aking braso.
Nakita namin ang wedding booth kung saan magcrush ata ang nasa harap ng altar at ni father. Nagkakahiyaan pa nga magpalitan ng vows Hahaha.
Sunod din na nadaanan namin ang picnic booth, kung saan ay uupo lang kayong dalawa sa damuhan at magkukwentuhan.
Meron din ng prison booth kung saan pipicture-an kayo ng mug shot before pumasok sa selda kasama ng taong nakalista rin. Natatawa kami ni Pat dahil hindi nagpapansinan 'yung lalaki at babae sa may loob ng kulungan. Paano kaya sila makakaalis doon, e ang kailangan para palayain ay dapat magkakilanlan kayo ng kasama mo sa loob HAHAHA.
Natapos na ang contest at ilang sandali pa ay awarding na ka agad. Nakita ko si Amy at si Ken na naka-outfit pa.
Narinig ko na ang nanalo sa 'Spoken-Word Poetry Contest' ay si Shyr Cruz. Hindi na rin nakakapagtaka kasi ang galing nang pagkakadeliver niya at ng piyesang gawa niya.
Nakakuha si Shyr ng trophy, certficate at cash prize sa pacontest namin. Kita ko naman na ang lahat ay agree sa desisyon ng mga hurado na manalo si Shyr. Laking tuwa ko rin bilang presidente ng club namin na maayos ang execution ng activity namin.
Nakapunta kami ni Pat sa confession board at nagtingin-tingin. Nakisulat na rin si Pat dito. Kumuha ito ng ballpen at sticky notes. Sinulat niya ang katagang...
'Ikaw ang palaging tinatangi'
- Pate
Sabay dikit sa confession board habang tumatawa. Ako ay nagbasa-basa ng mga sticky notes na kanina pang nakadikit kasi napakarami na rin. Nakita ko na may mga sulat na patungkol sa akin pero isa lang talaga ang tumatak.
Matagal ko nang ikinukubli sa aking sarili kaya panahon na upang aminin na sa'yo. Gusto kita, Dos.
- Reece
Pamilyar sa akin ang sulat kamay ng taong iyon. Pati ang pen name ay kilalang-kilala ko.
"Andaming nagcoconfess sa'yo ha?" Sabay hampas sa akin ni Pat.
"A-aray! Oo nga e," kamot ulo kong tugon.
"Ang dye-jeje ng iba. Itong isa lang 'to ang maayos," sabay turo sa sulat ni Reece. "Kilala mo ba 'to? Hmpk," nakatingala nitong tanong sa akin.
"Hindi e," pagpapalusot ko.
Hindi ako akalain na magsusulat sa confession board si Shyr patungkol sa akin. Oo, si Shyr 'yon. Reece lang ang ginamit niyang pen name dahil kapag binaliktad mo ang pangalan niyang 'Shyr' ay magiging 'Ryhs' ngunit para hindi halata ay ginawa niyang 'Reece'.
Imbestigador yarn? HAHAHAHA
Nagulat din ako nang mabasa ko 'yon dahil sa sobrang dami na nagkakagusto sa kaniya at iba ay mayaman at may itsura, ako pa ang nagustuhan niya. Hindi ako nanggayuma ha. Naguguluhan pa rin talaga ako nang pabalik kami ni Pat sa booth namin.
"Ang tagal niyo ah. Si Shyr ang nanalo, Dos," excited na balita sa amin ni Aldrin.
"Oo tol, nakita ko nga. Ang galing niya kasi- Ang ganda pa!" Sabay singit ni Aldrin kaya hinampas siya ni Pat.
"Hoy, Aldrin! H'wag mo damay-damay si Dos d'yan ha! Malilintikan ka sa akin," pagsusungit ni Pat.
Natawa nalang ako sa nangyari. Ang seloso ng jowa ko este nililigawan pala.
Alas singko na nang matapos na ang lahat ng performance ngunit ang banda pa rin nila Von ang tumutugtog upang haranahin ang mga love birds na nasa field.
Halos lahat ng estudyante ay tuwang-tuwa sa booth na hinanda ng iba't-ibang clubs. Ako ay nakaupo lang nagkukwentuhan kami ni Pat nang tawagin ako ng isang student council.
"Dos! Andyan ka lang pala," wika sa akin ni Mike.
Si Mike Conrad ay isang student council. Siya ang Vice-President nito at isang engineering student din.
"Oy, Mike Kosa! Bakit anong nagawa kong kasalanan?" Pagbibiro kong tanong dito.
"Hanap ka ni hepe may kaso ka raw," tugon nito.
Nagtataka na ako kung may nagawa ba akong masama kasi hindi ko kilala yung hepe na sinasabi niya.
"Sino 'yon?" Nagtataka kong tanong.
"Tara! Sumama ka nalang ngani," pamimilit pa ni Mike.
"Tara na nga," tayo ko sa upuan.
Nagulat ako nang may ilabas siya na handcuffs. Akala ko talaga may nagawa na akong kasalanan Hahaha.
Dinala nila ako sa prison booth. Akala ko si Pat ang naglista sa akin upang makasama ako sa selda pero nagkakamali ako. Kinakabahan din ako kasi hindi ko pa kilala kung sino ang naglista sa akin.
Pinahawak sa akin ang white board at kinuhaan ako ng mug shot. Hinubad sa akin ang handcuffs na suot ko at pinasok na sa selda. Wala pa ang kasama ko ngunit nang ako ay napalingon, si Shyr ay papasok sa selda.
Owmaygawd! Totoo nga na siya ang nagsulat sa confession board.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago niya ako kausapin. Nahihiya rin ako dahil hindi ko naman ito inexpect na mangyayari.
"H-hi, D-dos! Shyr nga pala," sabay abot ng kamay sa akin.
"Y-yes, I know you," tugon ko.
Magdadalawang taon ko na rin kaklase si Shyr. Ngunit kahit gano'n ay hindi ko siya gaanong kaclose katulad sa mga kaklase naming babae. Iniisip ko kasi na hindi niya ako kalevel at ng mga kaibigan niyang sosyal.
"K-kumusta ka naman?" Tanong nito.
"Ayos lang ako, ikaw ba?" Sambit ko na medyo nahihiya.
"Nakita ko 'yung performance mo para kay Pat- nagselos ako," wika nito habang nagpapacute ang mukha.
"A-ah e-eh Hahaha," sabay kamot ulo. "B-bakit k-ka m-magseselos?" Dagdag ko pa.
"Hindi pa ba obvious? Gusto kita, Dos. Gusto mo rin ba ako?" Bigla nitong tanong.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Nabigla rin ako sa mga sinambit niya.
"H-ha? Bakit ako? Hindi mo ba nakita yung kanina sa stage? Nanliligaw na ako kay Pat," tugon ko dito.
"Nakita ko, pero nanliligaw ka pa lang naman, Dos! H'wag kang OA. Hindi pa kayo official ni Patricia. Matagal na kitang gusto, Dos. Simula pa noong first year tayo ngunit ngayon
lang ako nagkaroon nang lakas ng loob upang sabihin sa'yo ang nararamdaman ko," sambit nito at tuluyang tumakbo palabas ng selda.
Hindi ko nakita kung umiiyak ba si Shyr nang lisanin niya ang selda kung saan kami nakakakulong.
Itutuloy...