Sa tagpong iyon ay hindi ko pa rin alam kung papaano sasabihin kay Pat kung ano ang napagdesisyunan ko at anong ang nararamdaman ko para sa kaniya. Inuunahan pa rin kasi ako ng kaba noong magkatabi kami sa isang upuan sa garden ng simbahan. Kaya naman kahit malinaw at totoo ang nararamdaman ko ay hindi ko ito masabi agad. "Ano iyon, Dos?" Agad nitong tanong nang sabihin kong may sasabihin ako sa kaniya. Hindi agad ako nakakibo sa tanong niyang iyon. Binubuo ko pa kasi sa aking isip ang mga pangungusap na sasabihin ko kay Pat. "Pinagtitripan mo lang ata ako, Dos eh. Sabihin mo na at may ipapanuod pa ako sayong video ng performance mo dati," sambit nito sa akin. Gusto ko man sabihin ang mga nabuo kong pangungusap sa aking isip ay tila ba ayaw gumana ng aking bibig. Walang lumalabas na t

