Sa napanuod kong video sa cellphone ni Pat ay napagtanto ko kung bakit naging kami ni Shyr. Marami pala kaming pagkakaparehong dalawa tulad na lamang ng pagkakahilig namin magsulat at magtanghal ng mga tula. No wonder bakit ko siya nagustuhan at kung bakit niya rin ako nagustuhan. Siguro dahil din siguro sa marami kaming pagkakapareha ay kung bakit nakipaghiwalay ako sa kaniya. Aminado akong nasaktan ko siya sa ginawa kong pakikipaghiwalay ngunit lalo lang siyang masasaktan kung papatagalin ko pa ang relasyon namin na hindi ko naman na siya mahal. Mas mabuting maging magkaibigan na lang kami dahil sa paraang iyon ay mas tatagal pa ang relasyon namin. "Ang galing din pala ni Shyr magtula eh," sambit ko kay Patricia nang matapos naming panuorin ang video na nasa phone niya. "Oo, hindi ni

